Friday , November 15 2024

Nahulog mula sa gondola, obrero tigok (Sa NAIA expressway project)

PATAY ang isang construction worker makaraan mahulog mula sa gondola sa taas na mahigit 50 talampakan nang mawalan ng balanse at bumagsak sa kalsada sa ginagawang NAIA Expressway Project Phase 2 sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Parañaque City Police chief, Senior Supt. Ariel Andrade ang biktimang si Chiquito Montes, 42, ng  Happy Land Magsaysay, Tondo, Manila.

Base sa inisyal na ulat, habang inaayos ng biktima kasama ang dalawang construction worker ang gondola na nasa itaas sa MIA Road at Quirino Avenue, Brgy. Tambo nang mahulog si Montes na naging dahilan ng kanyang pagkamatay dakong 8:30 p.m.

Napag-alaman, biglang may pumutok sa isang poste ng koryente malapit sa gondola na ikinagulat ni Montes na naging dahilan upang mawalan siya ng balanse at nahulog.

Inaalam pa ng awtoridad kung nakoryente ang biktima at kung nasunod ang safety measures na ipinatutupad sa nasabing proyekto.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *