Sunday , December 22 2024

KWF, tumatanggap na ng mga nominasyon para sa Ulirang Guro 2016

ANG Ulirang Guro sa Filipino, isang prestihiyosong gawad sa mga guro na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay tumatanggap na muli ng  mga nominasyon para sa taón 2016.

Pagkilala ang gawad sa mga pilî at karapat-dapat na mga guro sa Filipino sa lahat ng antas. Kinakailangang nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon ang lisensiyadong guro at mayroong rating na hindi bababa sa Very Satisfactory.

Mahalagang salik ang pagpapahalaga at pagtataguyod ng wikang pambansa kasama ang mga saliksik pangwika at pangkultura sa rehiyon na ginawa ng nominadong guro.

Kikilalanin ang mga Ulirang Guro 2016 sa KWF Araw ng Gawad sa 19 Agosto 2016. Ang araw na ito ang ika-138 anibersaryo ng  kapanganakan ni dating pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa.”

17 Hunyo 2016 ang huling araw ng pagpapasa. Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag sa 736-2524 at hanapin si Bb. Jeslie Del Ayre. Maaari ding bumisita sa kwf.gov.ph, o magpadala ng email sa [email protected].

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *