Friday , November 15 2024

Droga, armas, gadgets, appliances nakuha sa ika-33 Galugad sa NBP

MULING nakakuha ng 150 gramo ng shabu at iba pang mga kontrabando ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ika-33 “Oplan Galugad” sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon.

Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., maaga pa lamang ay ginalugad ng BuCor personnel ang mga selda sa Building 3 at 13 sa quadrant 3 ng maximum security compound na kinaroroonan ng mga kasapi ng mga grupong Happy Go Lucky, Batang Cebu at Sputnik.

Nakakuha ang mga awtoridad ng dalawang improvised shotgun (sumpak), mga bala ng baril, ilang electronic gadgets, appliances at sangkaterbang TV antenna.

Habang dalawang preso na hindi binanggit ang pangalan ang nahulihan ng 150 gramo ng shabu na inilagay sa isang medyas at nilagyan ng magnet bago idinikit sa yero ngunit nabisto sa biglang pagdating ng mga awtoridad.

Ayon kay Shwarzkopf, mahaharap sa karagdagang kasong administratibo ang dalawang inmates na nakatakdang ilipat sa isolation cell.

Posible rin silang tanggalan ng prebilihiyong madalaw ng kanilang mga kaanak at maapektuhan ang tinatawag na good conduct term allowance na ibinibigay sa mga bilanggo.

Siniguro ng opisyal na umiiral pa rin ang mahigpit na seguridad at tuloy-tuloy ang isasagawang Oplan Galugad sa NBP hanggang sa maubos ang mga kontrabando sa nasabing kulungan.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *