Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di pinagbigyan ng dyowa sa sex, bouncer nagbigti

KALIBO, AKLAN – Nagbigti ang isang 32-anyos lalaki makaraan hindi pagbigyan ng kanyang live-in partner na sila ay magtalik sa Brgy. Nagusta, Nabas, Aklan kamakalawa.

Patay na nang makarating sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Joseph Baladjay, isang bouncer, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si alyas Lara, bago nangyari ang insidente ay nag-inoman silang dalawa.

Pagkaraan ay bigla aniya siyang kinalabit ng mister at niyaya na sila ay mag-sex.

Ngunit tinanggihan niya dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan.

Dahil dito, biglang kumuha ng lubid ang biktima at nagkulong sa kanilang kuwarto, ngunit binalewala lamang niya.

Ngunit nang katukin niya ay hindi binubuksan ng asawa ang pinto kaya humingi siya ng tulong sa kapatid ng biktima at nang mabuksan ay tumambad sa kanila ang nakabigting si Baladjay.

Sinasabing tatlong beses sa isang araw kung magtalik ang mag-asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …