Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chief Supt. Dela Rosa, next PNP chief

NALULUGOD si Chief Supt. Ronald Dela Rosa sa pagpili sa kanya ni incoming President Rodrigo Duterte para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Del Rosa, kahit maikonsidera pa lang ay malaking bagay na, kaya lalo siyang nagalak nang mabalitaan ang pagtukoy na siya na talaga ang ipapalit kay PNP Chief Ricardo Marquez.

Bukod kay Dela Rosa, kabilang sa unang ikinokonsidera ni Duterte sina Chief Supt. Ramon Apolinario at Senior Supt. Rene Aspera.

Aminado ang one star PNP general na gusto niya ang istilo ng pamamahala ni Duterte lalo na sa kampanya para masugpo ang krimen.

Si Dela Rosa ay matagal ding nagsilbing chief of police ng Davao City at kasalukuyang executive officer ng PNP-Human Resource and Doctrine Development Programs (PNP-HRDD).

Siya ay miyembro ng PMA Class 1986.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …