Friday , November 15 2024

14 patay sa diarrhea outbreak sa Zambo

ZAMBOANGA CITY- Patuloy na tumataas pa rin ang bilang ng mga pasyenteng natatanggap ng mga pagamutan sa Zamboanga City dahil sa diarrhea outbreak na ang severe rotavirus disease pa rin ang lumalabas na pangunahing sanhi ng naturang kumakalat na sakit.

Ayon kay Zamboanga City Health Officer Dr. Rodel Agbulos, sa kasalukuyan ay umaabot na sa 14 pasyenteng nakaranas ng diarrhea ang namatay, at karamihan aniya ay mga bata.

Habang hindi bababa sa 2,000 ang bilang ng mga pasyente na nakaranas ng diarrhea simula pa noong buwan ng Marso.

Una na ring kinompirma ni Dra. Agnes Mabolo ng Local Health Support Unit ng Department of Health (DoH), ang tubig sa lungsod na ginamamit ng mga residente ang nagpositibo sa rotavirus.

Inihayag ni Mabolo, mismong ang mga tauhan ng Research Institute for Tropical Medicine (RTMI) mula sa central office ng DoH ang pumunta sa Zamboanag City para magsagawa ng pangalawang laboratory examination upang matukoy kung ano talaga ang dahilan sa diarrhea outbreak sa lungsod.

Lumabas na sa 20 hanggang 30 sample na isinailalim sa laboratory examination, 65 porsiyento ang nagpositibo sa ‘fecal material’ o dumi mula sa tao o hayop.

Nilinaw ni Dr. Agbulos, kung ikukumpara sa buwan ng Marso at Abril, bumababa na sa ngayon ang bilang ng mga pasyente na pumupunta sa mga ospital na nakararanas ng gastroenteritis.

Habang tumataas naman ngayon ang may dengue kaya puspusan na rin ang ginagawang paraan ng CHO para mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *