Friday , November 15 2024

3 patay, 17 naospital sa cholera outbreak sa CamSur island

NAGA CITY – Patay ang tatlong menor de edad habang umabot sa 17 ang isinugod sa ospital dahil sa pagtatae at pagsusuka sa islang bayan ng Caramoan, Camarines Sur.

Ayon kay Dr. Napoleon Arevalo, OIC regional firector ng Department of Health (DOH) Bicol, dalawa sa mga namatay ay 5-anyos at isang 16-anyos.

Ayon sa ginawang disease surveillance ng DoH-Bicol at sa imbestigasyon sa lugar, lumalabas na ang kontaminadong tubig ang sanhi ng sakit na hindi pa makompirma kung dahil sa E. coli o cholera.

Nagsimulang makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima noong kasagsagan ng eleksiyon.

Dahil abala ang karamihan, nabalewala ang naramdaman ng mga pasyente sa pag-aakalang simpleng loose bowel movement (LBM) lamang ito.

Bukod dito, aabot din sa isa’t kalahating oras ang biyahe bago makarating sa Municipal Hospital sa nasabing bayan.

Ang tatlo aniyang namatay ay dead on arrival na sa ospital.

Sinabi ni Arevalo, noong mga nakaraang taon ay may naitalang kaso ng cholera sa naturang bayan dahil sa kakulangan ng basic sanitation facility.

Napag-alaman, 46 porsiyento lamang ng mga kabahayan sa lugar ang mayroong sariling palikuran.

Ang E.coli na madalas na nagiging sanhi ng pagtatae at pagsusuka ay nakukuha sa dumi ng tao.

Binabantayan ng nasabing tanggapan kung madaragdagan pa ang mga naoospital ngunit sa nakaraang mga araw ay wala na aniyang nairerehistrong panibagong kaso.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *