Friday , November 15 2024

25 Chinese fishermen arestado (Nagpanggap na Pinoy)

HAWAK na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 25 Chinese suspected poachers na naaresto sa karagatang sakop ng Babuyan Island at Batanes province.

Ayon sa BFAR, naaktohang nangingisda ang mga dayuhan na sakay ng Shen Lian Cheng 719 at Shen Lian Cheng 720.

Naghinala ang mga awtoridad na hindi talaga mga Filipino ang nangingisda sa nasabing lugar nang mamataan nilang nakabaliktad ang watawat ng Filipinas na nakalagay sa fishing vessel.

Agad silang dinala sa Basco, Batanes para sa kaukulang imbestigasyon.

Para kay Agriculture Undersecretary for Fisheries Atty. Asis Perez, hindi lang naligaw ang nahuling mga mangingisda dahil malinaw na nagpanggap pa bilang mga Filipino ang 25 dayuhan.

Ano mang oras ay magbibigay ng abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Chinese embassy ukol sa pagkakaaresto sa kanilang mga kababayang mangingisda.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *