‘Mayor’ itawag sa akin — Digong
Hataw News Team
May 17, 2016
News
DAVAO CITY – Mas pinili ni President-elect Rodrigo Duterte na tawagin siyang “mayor of the Philippines” imbes “president of the of the Philippines.”
Ito ang pahayag ng alkalde ng Davao sa isinagawang press briefing kamakalawa ng gabi sa isang hotel sa lungsod makaraan makipagkita sa ilang top officials ng pulisya at militar.
Ayon kay Duterte, gusto niyang dalhin ang “mayor figure” kaya mas pinili niya ang pagtawag sa kanya bilang “mayor of the Philippines.”
“Hindi naman ako nagpa-corny pero I feel very awkward hearing the word ‘President.’ In the first place, it is not yet time and I have to get used in being the top honcho of the Philippines.
“I am just a worker in the government… There is no reason to give too much adulation sa akin. I do not want that kind of rapport with the Filipino people,” aniya.
Samantala, sinagot ni Duterte ang ilang katanungan ukol sa kung ano ang gagamitin niyang presidential vehicle.
Aniya, dadalhin niya ang kanyang pick up sa Malacañang na ginagamit niya sa Davao.
Aniya, gusto niyang manatiling “low profile leader” kaya ayaw niyang gumamit ng luxury vehicles.
Ito rin ang gustong mangyari ng alkalde sa kanyang gabinete.
Habang mananatili rin ang nakasanayang gawain ng mayor kung siya na ang magiging pangulo ng bansa, na makikipag-meeting sa kanyang gabinete dakong 2 a.m.
Ito ay dahil 3 a.m. siya natutulog at gumigising ng 11 a.m.
More bodyguards ‘di kailangan
KAMPANTE si president-elect Rodrigo Duterte na walang magtatangkang pumatay sa kanya.
Aniya, hindi niya kailangan nang maraming bodyguard.
Paliwanag niya, kung oras na niyang mamatay, siguradong hindi ito mapipigilan kahit pa palibutan siya ng maraming bantay.
Kaugnay nito, sinabi ni Duterte, ipagpapatuloy niya ang kanyang kinaugalian na paglilibot lulan ng kanyang taxi.