UMENTRA sa querterfinals ang Foton Toplander matapos bulagain ang liyamadong Petron XCS, 21-9, 21-8 sa Day 2 ng 2016 Philippine Superliga (PSL) Challenge Cup beach volleyball tournament sa Sands, By the Bay sa Mall of Asia.
Nagtulong sa opensa at depensa ang dalawang reyna ng hatawan mula sa Visayas na sina Cherry Rondina at Patty Orendain upang talunin sina seasoned tandem Bang Pineda at Aiza Maizo-Pontilas at manatiling malinis sa tatlong laro sa Pool C.
“Ginawa lang namin yung ginawa sa practice practice,” saad ni Rondina, “Beteranong team sila kaya nag-focus kami sa depensa.”
Kagaya ng Toplander abante rin sa quarterfinal ang Tri-Activ Spikers na nalasap ang unang kabiguan sa tatlong salang sa event na suportado ng Accel, Mikasa, Senoh, Petron, Foton habang ang TV5 ay official broadcast partner.
( ARABELA PRINCESS DAWA )