DINAKMA ang ‘manoy’ ni Daniel Matsunaga nang ito’y dumalo sa isang political rally sa Mabolo, Cebu. Tinamaan din ito ng suntok sa leeg, nagkaroon ng galos sa pisngi, at hinarbat pa suot na bracelet. Maliban dito, sirang-sira umano ang kanyang suot na sapatos.
Ayon sa aming correspondent na si Uma ng DYRC Cebu, naimbitahan ang actor/model ng Osmena Team. Pagkatapos daw itong kumanta ay pinagkaguluhan. Hindi raw naawat ng mga guwardiya ang mga taong dumumog sa actor.
Base sa Instagram ng aktor, nasabi nitong pinaka-worst show na nangyari sa kanya ang sa Cebu na iniwan umano siya ng mga guwardiya sa gitna ng kaguluhan.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu