Sunday , December 22 2024

Transparency server binago (Bautista umamin)

KINOMPIRMA ni Commission on Elections chief Andres Bautista kahapon na binago ang script ng transparency server, ngunit ito ay para iwasto lamang ang character sa pangalan ng isang kandidato.

Sinabi ni Bautista, binago ng isang opisyal mula sa technology provider Smartmatic ang question mark (?) para maging letrang “ñ” upang iwasto ang nasabing pangalan.

“Ang sabi sa akin, wala itong magiging epekto sa source code na ginagamit ng ating sistema,” pahayag niya sa radio interview.

Idinagdag niyang hiniling niya sa Smartmatic na ipaliwanag ito, partikular sa kampo ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Si Marcos ay pangalawa sa vice presidential race, kasunod ni administration’s bet, Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Ayon sa kampo ng senador kamakalawa, ang bagong script “was introduced to the transparency server,” na nagpabago anila sa hash codes ng Comelec’s packet data.

Sinabi nilang ang tinatayang isang milyong boto na kalamangan ni Marcos ay nagsimulang mabawasan “at a rather distinctive pattern” makaraan ipasok ang bagong script.

Samantala, kinatigan ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), ang pahayag ng Comelec na hindi binago ng bagong script ang resulta sa transparency server.

“Namfrel is entitled to one copy of the printed ER. Our Systems Group has not found any discrepancy so far and that despite the mismatch of the data pack coming from the Transparency server via its mirror, THERE IS NO CHANGE in the actual values of each ER. Namfrel’s crowd sourced data shows consistency of the ER values as well,” pahayag ng grupo.

“The allegation on fraud is focused on the problem on the hash code. All parties have copies of the ERs from the transparency server. It would be prudent if they can show even a single VCM/ER changed during the time they are complaining about the error.”

Ipinasa ng Namfrel ang sisi sa Smartmatic sa last-minute change na nagdulot nang pagdududa sa proseso.

“From our research, it seems like there has been character encoding issue specifically on the ñ character and was hastily corrected by someone from the COMELEC/Smartmatic group.  The correction happened after the hash code was generated hence the issue on the mismatch of the hash code.  After a day it was corrected eventually,” pahayag ng grupo.

“The main and real issue here would be last minute changes in process and codes as well as lack of quality control by Smartmatic. The system is a multi-billion peso system and the error was so amateurish,” dagdag ng Namfrel.

Imbestigasyon hiling ng kampo ni Bongbong

NANAWAGAN ang kampo ni vice presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. nang agarang imbestigasyon kaugnay sa computer script na sinasabing ipinasok noong gabi ng Mayo 9, 2016 sa transparency server na pinagmumulan ng data na kinukuha ng election watchdog para sa kanilang quick count.

Ito ay makaraan ibunyag ng isang information technology expert na may ebidensiya siya na nagpapakita na ang ‘hash code’ ng transparency server ay binuksan ng Smartmatic official upang maipasok ang bagong script na sinasabing maaaring nagmanipula sa resulta at nagpabago sa buong system sa  partial and unofficial counting pabor sa administration candidates.

Sinabi ni Atty. Francesca Huang, miyembro ng Legal team ni Marcos, sa press briefing, natanggap nila ang impormasyon mula sa accredited observer ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na naroroon nang ito ay gawin.

Gayonman, tumanggi si Huang na ihayag ang pangalan ng informant ngunit sinabing ito ay may background sa IT (information technology) kaya batid na may ipinasok na bagong computer script.

“The introduction of this new script is suspect because it was after this time that Senator Marcos’ lead from Representative Robredo started to erode at a rather distinctive pattern,” pahayag ni Huang.

Sinabi niyang ayon sa quick count results, ang substantial lead ni Marcos ay nagsimulang mabawasan dakong 9 p.m. ng Mayo 9 at nagsimulang manguna si Rep. Leni Robredo dakong 3:30 a.m. ng Mayo 10.

Gayonman, sinabi ni Huang, patuloy silang nagsasagawa ng sarili nilang imbestigasyon upang mabatid ang eksaktong epekto ng script, kung mayroon man, sa mga boto sa vice presidential candidates, gayondin sa mga kandidato ng ibang mga posisyon.

“Did Comelec know about the introduction of this new script? How does the script affect the data and data reception of the transparency server? The public deserves to find out,” ani Huang.

“We would like Comelec to provide us with some more information and clarification on these matters because of course we would not like to make any unfounded accusations or allegations on the same,” aniya pa.

Sinabi ni Huang, nagpadala na sila ng sulat kay Comelec Chairman Andres Bautista kaugnay sa layuning ito.

PPCRV titigil sa utos ng Comelec

NAKAHANDA ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na itigil ang kanilang unofficial counting ng mga balota.

Ngunit ito ay mangyayari kung ipag-uutos sa kanila ng Commission on Elections (Comelec) na may pangunahing hurisdiksyon sa mga usaping may kinalaman sa halalan.

Ayon kay PPCRV Command Center Operations head Ana de Villa-Singson, kailangan makapagpakita rin nang sapat na batayan ang humihiling na itigil ang bilangan.

Giit ni Singson, higit na mahalaga ang kapakanan nang nakabantay na mga mamamayan kaysa ibig mangyari ng mga politiko.

Naglaan din daw sila ng puwesto para sa political groups at observers para makita ang actual na bilangan para huwag itong pagdudahan.

Bongbong ‘di dinaya ng gov’t — Palasyo

MARIING itinanggi ng Malacañang ang paratang ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dinadaya ng gobyerno si Sen. Bongbong Marcos sa vice presidential race.

Maging si Prof. Antonio Contreras ay nagsabing batay sa trend ng mga botong pumasok, naniniwala siyang may pagtatangkang dayain si Marcos.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, walang katotohanan at basehan ang nasabing mga alegasyon.

Ayon kay Coloma, Comelec ang responsable sa pagtiyak na maayos ang automated election system at walang kinalaman ang Executive Branch sa proseso.

Sa ngayon, nananatili ang lamang si Rep. Leni Robredo kay Marcos sa partial and unofficial count.

“The allegation is untrue and unfounded. Comelec is fully responsible for overseeing the automated election system and the executive branch has no part in this process,” ani Coloma.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *