Friday , November 15 2024

DPWH puspusan sa ‘Oplan Baklas’

ABALA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagbabaklas ng campaign posters na iniwan ng mga kandidato sa mga pampublikong estruktura.

Sa pagtaya ng Oplan Baklas team, aabutin sila ng isang linggo bago tuluyang matapos sa paglilinis sa Merto Manila.

Sa ngayon, katuwang nila ang MMDA ngunit mas mapapadadali raw ang kanilang aktibidad kung may dagdag na tulong ng volunteers.

7 tons basura sa kampanya nahakot sa Pasay, Maynila

NANAWAGAN ang grupong Ecowaste Coalition sa publiko na maging malikhain sa naiwang mga basura na dulot ng halalan.

Ito dahil ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), sa Manila at Pasay pa lamang ay aabot na sa pitong tonelada ang nakolektang campaign paraphernalia kabilang ang mga tarpaulin, posters at iba pa.

Dahil dito, hinimok ni Aileen Lucero, Coordinator ng EcoWaste Coalition, ang publiko na maging creative para mapakinabangan ang mga basura.

Puwede aniyang gawing apron o shopping bags ang mga tarpaulin habang ang posters ay puwedeng gawing folder, envelope at picture frame.

Ang sample ballots ay puwedeng gawing notepads lalo na’t karaniwang wala itong sulat sa likod.

Inaasahang madaragdagan pa ang mga basurang makokolekta sa kalakhang Maynila maging sa iba’t ibang lugar sa bansa.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *