Friday , November 15 2024

Apelang recount ni Bongbong ipaubaya sa Kongreso

IGINIIT ng Commission on Elections (Comelec) na ipaubaya na lamang sa canvassing ng Kongreso ang reklamo ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos kaugnay sa sinasabing ‘discrepancy’ sa bilangan ng resulta ng halalan.

Magugunitang kahapon, umapela si Marcos na ihinto muna ang bilangan sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) dahil baka magdulot ito nang pagdududa kapag magkaiba ang resulta ng canvassing ng PPCRV at ng Kongreso.

Hinihiling din ni Marcos sa Comelec na magkaroon ng recount sa resulta ng halalan.

Ngunit ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ang Kongreso ang magbibilang ng boto sa presidentiable at vice presidentiable at hindi ang Comelec.

Tanging ang mga senador at party-list representative ang bibilangin ng Comelec dahil ito ang nakatoka sa kanila.

Sa ngayon ay gitgitan pa rin ang laban sa pagka-bise presidente at nangunguna pa rin si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na may botong 13,952,128 habang si Marcos ay may 13,720,479.

Nasa 231,649 na boto ang kalamangan ni Robredo kay Marcos.

Reklamo walang basehan — Macalintal

WALANG basehan ang mga alegasyon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na siya ay nadadaya sa bilangan.

Tinawag ng election expert na si Atty. Romulo Macalintal ang pagrereklamo ng senador na masyado pang ‘premature.’

Ang ginagawa aniya ng PPCRV na pagbilang na unofficial at partial ay para sa publiko at hindi para sa mga kandidato.

Nasa kamay pa rin ng National Board of Canvassers na binubuo ng mga kinatawan na mga congressman at ilang senador, ang pagdedeklara sa mga nanalo sa presidente at bise presidente.

Giit ni Atty. Macalintal, ang PPCRV count kasama ang KBP ay continuing tally.

Ibig sabihin ay hindi pa ito tapos.

Tanong niya, “paano na lamang kung makalamang bukas si Marcos sa tally, ibig daw sabihin nito na si Robredo naman ang magpoprotesta?”

Samantala, dakong 1 p.m. nitong araw ng Miyerkoles batay sa unofficial at partial tally, meron nang natipon na boto si Robrero na 13,952,128 habang nasa 13,720,479 naman ang boto ni Marcos.

Pro-Marcos rally sa Luneta hinarang

PINAGBAWALAN ng National Parks Development Committee ang supporters ni Sen. Bongbong Marcos na nagbabalak magprotesta sa Rizal Park, Manila bilang bahagi ng kanilang “Occupy Luneta” activity.

Ayon kay Noel Lomboy ng park security, walang permit ang grupo para sa malaking rally, lalo na kung maglalagay ng sound system at iba pang pasilidad.

Sinabi ni Rezy Pacheco, isang Marcos supporter, nagtungo sila sa Luneta upang manawagan sa Comelec at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na huwag manipulahin ang boto.

Kabilang sa inaalmahan ng grupo ang anila’y dagdag-bawas na nangyari sa boto ng ilang vice presidential candidate at napunta kay Rep. Leni Robredo.

Si Robredo ang kasalukuyang nangunguna sa VP race batay sa unofficial count mula sa data ng PPCRV-KBP sa transparency server.

Nabatid na nabuo ang “Occupy Luneta” sa isang internet forum lamang at wala raw kinalaman ang mismong kampo ng senador.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *