Friday , November 15 2024

Sen. Poe, Roxas nag-concede na

NAG-CONCEDE na sa presidential race sina Sen. Grace Poe at Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa kanilang pagkatalo sa katatapos na halalan.

Sa press conference kahapon ng madaling-araw, sinabi ng senadora, ginawa niya ang lahat na makakaya, lumaban nang malinis at patas kaya wala siyang pinagsisihan kahit na nabigo.

Binati ni Poe si Duterte at nangako ng pakikiisa para sa ‘paghihilom’ ng bayan.

Ayon kay Poe, ang kanyang concession ay hindi nangangahulugan nang pagsuko kundi kanyang iginagalang ang resulta ng halalan at ang pinili ng taong bayan.

Pagkilala rin aniya ito sa sistema ng demokrasya.

Tinanggap na rin ni Mar Roxas ang pagkatalo sa halalan.

Sa kanyang pag-concede kahapon, binati niya si Davao Mayor Rodrigo Duterte.

Pumapangalawa lamang si Roxas na may higit 9 million votes.

Sinabi ni Roxas, hangad niya ang tagumpay ni Duterte dahil ang tagumpay ng alkalde bilang pinuno ay tagumpay rin ng buong sambayanan.

Nanawagan ang presidential candidate na simulan na ang pagbubuo sa bansa na nahati kasunod ng kampanya, galangin at tanggapin ang pasya ng taong bayan.

Samantala, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV, inirerespeto niya ang desisyon ng taong bayan sa katatapos na halalan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng senador na hindi siya magiging sagabal sa ano mang repormang ipatutupad sa bansa, kung para ito sa ikabubuti ng lahat.

Malinaw aniya na gusto talaga ng nakararami ang pamumuno ni Mayor Rodrigo Duterte, kaya kanya itong igagalang.

Gayonman, magpapatuloy aniya siya sa kanyang adbokasiya bilang senador upang manatili ang check and balance sa pamahalaan.

Matatandaang una nang nag-concede ang sinusuportahang presidentiable ni Trillanes na si Sen. Grace Poe.

Sa kabilang dako, tinanggap rin ni Senador Chiz Escudero ang kanyang pagkatalo sa vice presidential race, sinabi niyang iginagalang niya ang pasya ng nakararami ngunit mas nais niyang manalo ang kanyang kababayan na si Leni Robredo ng Liberal Party.

Nananatiling gitgitan ang labanan nina Robredo at Senador Bongbong Marcos.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *