Sunday , December 22 2024

Rider todas sa riding in tandem

PATAY ang isang motorcycle rider makaraan barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay sakay rin ng kanyang motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ryan Mata, 29, residente ng 802 BGISIS Mansion, N. S. Amoranto, Quezon City.

Habang patuloy ang imbestigasyon ng mga ng pulis upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alexander Dela Cruz, dakong 5:40 p.m. sakay ang biktima ng kanyang Yamaha Mio Sporty habang tinatahak ang kahabaan ng Maria Clara St., Brgy. Acacia nang biglang dikitan siya ng dalawang hindi kilalang suspek na sakay rin ng motorsiklo.

Agad bumunot ng baril ang nakaangkas na gunman at pinaputukan sa pisngi ang biktima bago mabilis na tumakas patungong Gov. Pascual.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ng insidente ang isang basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at cash na aabot sa P32,000.

Lumalabas sa imbestigasyon na dating alitan ang motibo sa krimen.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *