Friday , November 15 2024

2 political supporter ng LP patay sa ambush

CAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang dalawang political supporters ng isang mayoralty candidate ng Liberal Party sa Brgy. Kapingan, Marawi City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang isa sa mga biktimang na si Al Hapis Usman, supporter ni Majul Gandamra, tumakbo bilang alkalde sa nasabing lungsod.

Inihayag ni Lanao del Sur provincial director, Sr. Supt. Rustom Duran, boluntaryong sumama ang mga biktima habang inihatid ng mga board of elections inspector (BEI) ang ballot boxes, nang biglang binaril sila ng hindi nakilalang mga armadong kalalakihan.

1 patay, 2 sugatan sa rambol sa loob ng Abra Voting Precinct

VIGAN CITY – Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa rambol ng dalawang bodyguard ng magkalabang kandidato sa Pang-ot Elementary School, Brgy. Pang-ot, Lagayan, Abra.

Tama ng bala ng baril sa dibdib ang ikinamatay ni Zacharias Manuel, habang nagpapagaling sa Abra Provincial Hospital si Vincent Viloria dahil sa tama ng bala sa balikat at ang isang nagngangalang Joel Donato.

Batay sa imbestigasyon ng PNP-Lagayan, unang nagkainitan ang mga personalidad na humantong sa rambol at barilan sa loob mismo ng presinto sa nasabing paaralan.

1 patay, 3 sugatan sa granade attack sa polling precinct sa Maguindanao

PATAY ang isang lalaki habang tatlo ang sugatan makaraan pasabugan ng granada ang isang polling precinct sa Maguindanao.

Kaaalis lamang ng bomb squad ng Armed Forces of the Philippines nang pasabugan ang polling precinct sa Meta, Datu Unsay, Maguindanao.

Nabatid na mainit ang labanan ng magpinsang Monawara Ampatuan at Reshal Ampatuan sa pagka-alkalde sa Datu Unsay.

Botante patay sa heat stroke

KALIBO, AKLAN – Patay ang isang 54-anyos lalaki makaraan mabiktima ng heat stroke habang nakapila upang bomoto sa Ibajay Integrated Elementary School sa Ibajay, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Adolfo Sudlon, residente ng Brgy. Poblacion, Ibajay, Aklan.

Base sa report, naisugod pa ang biktima sa Ibajay District Hospital ngunit makaraan ang ilang minuto ay binawian ng buhay na kinompirma ng kanyang attending physician.

Napag-alaman, sa kasagsagan ng grabeng init ng panahon ay pumila ang biktima ngunit hindi inaasahang mangyayari sa kanya ang naturang insidente.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *