Friday , November 15 2024

Chiz piniling VP ng progresibo

“MATAPANG siya at may paninindigan.”

Ito dahilan kung bakit sinuportahan ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na kumakandidatong Senador, ang pagtakbong bise presidente ni Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Colmenares, subok ang pagsulong ni Escudero sa mga isyung makamasa kaya naman siya ang napupusuan ng mga lider at tauhan ng sektor na progresibo.

Matapang na nanindigan si Chiz at makailang beses nagsabi noon pa na nagkaroon ng maraming paglabag sa karapatang pantao ang Martial Law, ani Colemares, kahit na ang tatay ng Senador ay miyembro ng gabinete ni Marcos noong panahong iyon.

“Anak si Chiz ng yumaong Salvador Escudero, isang ministro ni Marcos. Nguni’t noong senador siya, pinangunahan ni Chiz ang Committee on Human Rights at ipinasa ang maraming batas ukol sa karapatang pantao – ang anti-torture law, anti-enforced disappearance law, at pinakamahalaga, ang pagkilala at pagbigay kompensasyon sa mga biktima ng karahasan sa panahon ni Marcos,” anang progresibong mambabatas.

Ayon kay Colmenares, patuloy na ipinaglaban ni Escudero ang mga isyung may kinalaman sa Martial Law, ‘di katulad ng ibang kandidato na nakikisakay lang dahil panahon ng kampanya.

“Bago pa naisip ni Chiz na tumakbo bilang bise presidente, klaro na ang tayo niya sa human rights issues pabor sa human rights victims,” dagdag ni Colmenares.

Sinangayunan si Colmenares ng multi-awarded blogger at kolumnistang si Tony Cruz, na sinabing mahaba ang listahan ng mga batas na isinulong ni Escudero patungkol sa karapatang pantao.

Hirit ni Cruz, malinis ang rekord sa pamamahala ni Chiz sa loob ng 18 taon serbisyo sa gobyerno, at “hindi siya kailanman nasangkot sa katiwalian, kahit may mga paratang sa kanya.”

Pinuri rin ni Cruz ang “transparency” ni Escudero at binanggit na kusang-loob na pumirma ng mga waiver sa bank secrecy nitong mga nakaraang taon, na walang inaasahang coverage sa media.

“Magaling siyang Minority Leader noong i-impeach si GMA. Kasangga si Chiz ng mga progresibong mambabatas at ng mga aktibista,” dagdag ni Cruz.

“Puwede siyang maging mahusay na bise presidente. Puwede rin nga siyang maging magaling na presidente, kung nandoon ang pagkakataon,” diin ni Cruz, na sinabing malaki ang posibilidad na talunin ni Chiz ang karibal na si Bongbong Marcos.

Pinili rin si Chiz ng beteranang manunulat at mamamahayag na si Inday Espina-Varona, na nagsabing hindi nagpakita ng matapang na paninindigan ang kandidato ng administrasyon na si Leni Robredo sa panahon na kinakailangan ito.

“Bumabanggit minsan ng mga salitang laban sa katiwalian si Leni. Gusto niyang iparating na independent siya sa administrasyon sa aspektong ito, pero wala siyang naging sariling paninindigan at nanahimik siya sa usapin ng paggamit ng government resouces – na galing sa ating mga nagbabayad ng buwis – para isulong ang kandidatura niya,” diin ni Varona.

Natuwa rin si Varona sa suporta ni Escudero sa SSS pension hike bill, na hinarang ni PNoy sa pamamagitan ng veto.

Bumalimbing at bumligtad sa isyu ng SSS pension hike si Robredo masunod lang ang naisin ng Pangulo.

“Bumoto para sa Senate version ng panukala si Escudero. Isa lang ang boto ko at gagamitin ko ito sa pagsuporta sa mga taong kumarga sa isyung mahalaga sa mamamayan. Importanteng piliin natin ang may tunay na ginawa, hindi lang puro salita.”

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *