Sunday , December 22 2024

Bumoto batay sa karakter ‘di sa personalidad (Robredo: Pamilya isipin)

NANAWAGAN si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo sa mga botante na isipin ang kinabukasan ng pamilya sa pagpili ngayong araw (Lunes) ng mga susunod na lider na magsisilbing gabay ng bansa sa anim na taon.

“Narinig na nating lahat ang magagandang pangako at plano na puwedeng bitiwan ng mga kandidato. Pero sa huli, dapat tingnan ng mga botante ang pagkatao at kung sino. Iyon ang batayan ng kayang gawin,” wika ni Robredo.

“Dapat nating tingnan ang pagkatao ng bawat kandidato dahil dito masusukat kung sinsero ang kanyang pagnanais na maglingkod sa bayan. Mag-isip tayong maigi dahil kinabukasan ng ating pamilya ang nakataya rito,” dagdag niya.

“Ang boto natin ay sagrado. Ito lang ang pagkakataon na pantay-pantay ang mahirap at mayaman kaya huwag natin itong ipagpalit sa maliit na halaga,” ani Robredo.

Matapos makapasa sa Bar examinations, nangako si Robredo na tutulong sa mahihirap na walang pambayad sa serbisyo ng abogado para ipaglaban ang kanilang karapatan.

Unang sumali si Robredo sa Public Attorney’s Office at tumulong sa mahihirap na ipagtanggol ang kanilang karapatan sa hukuman.

Pagkatapos, lumipat siya sa Sentro  ng  Alternatibong  Lingap Panligal (SALIGAN) , isang non-government organization nagbibigay ng libreng legal aid sa marginalized sectors.

Natuon ang atensiyon ng bansa kay Robredo nang pumanaw ang asawang si Sec. Jesse Robredo noong 2012. Sa sumunod na taon, nahalal siya bilang kinatawan ng 3rd District ng Camarines Sur.

Sa halos tatlong taon, nakapagpasa si Robredo ng tatlong batas, kabilang ang pagpapalawig ng Corporate Life ng Philippine Railways Corporation, ang Tax Incentives Management and Transparency Act at ang Sangguniang Kabataan Reform Act.

Ang iba pang panukalang inihain ni Robredo ay Barangay Reform Bill, People’s Participation in Budget Deliberation Bill, People Empowerment Bill of 2014, Full Disclosure Bill at ang Freedom of Information Bill.

Isinusulong ni Robredo ang economic empowerment upang mailayo ang mahihirap na kababaihan sa kalupitan na dulot ng kahirapan.

Nais din ni Robredo na tutukan ang pagpapaunlad sa kanayunan upang mabawasan ang pagsisikip sa metropolitan areas sa bansa at mabigyan ng de-kalidad na buhay ang lahat.

Maliban sa Social Weather Stations at Pulse Asia polls, una rin si Robredo sa bagong Laylo Survey.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *