Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

13 arestado sa vote buying sa Cagayan

UMABOT na sa 13 indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad sa isang barangay sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pamimili ng boto.

Sa report na nakarating sa National Election Monitoring Center (NEMC) ng AFP, naaktohang namimigay ng sobreng may pera ang mga indibidwal sa Brgy. Curva, Pamplona, Cagayan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pamplona Municipal Police station ang naarestong mga suspek.

Hindi inilagay sa report kung magkano ang halaga ng bawat sobreng ipinamumudmod sa mga residente.

Ang Cagayan ay isa sa election watch list areas na tinutukan ng militar at PNP ngayong halalan.

Sa katunayan, dahil mainit ang takbo ng politika sa nasabing lugar, wala ni isang peace covenant ang nilagdaan ng mga magkakatunggaling kandidato maging sa Quirino at Ifugao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …