Sunday , December 22 2024

Masbate Political Bloc solid kay Poe

ISANG malaking puwersa ng mga politiko na lumalaban sa lokal na halalan mula sa magkakaibang partido sa lalawigan ng Masbate ang nagkaisa upang ipakita ang kanilang taos-pusong pagsuporta para kay Presidential candidate at Senadora Grace Poe.

Sa pangunguna ni Oscar Acuesta na kandidato ng Nacionalista Party (NP) para Bise Gobernador ng Masbate, nagbuklod-buklod ang mga pangunahing kandidato ng NP, Liberal Party (LP), National People’s Coalition (NPC) at maging independiyete upang ihayag at mapagtibay ang kanilang pagsuporta sa senadora kahapon sa pamamagitan ng paglagda sa Manifesto of Support kay Poe.

“We, Candidates of Masbate Province in the position of Mayor, Sangguniang Panlalawigan, Congress and Vice Governor from different Political Parties; voluntarily express our support for the candidacy of Presidentiable Grace Poe,” pahayag ni Acuesta.

Ani Acuesta, naniniwala sila na ang katapatan ng puso, walang kaparis na programa ng gobyerno, ang bukas niyang pag-iisip at kawalan ng mga kasong anomalya simula nang manungkulan sa Senado ang naging dahilan upang ibigay ang kanilang matapat na pagsuporta sa paglaban ni Poe bilang bagong Punong Ehekutibo ng Republika ng Pilipinas.

“We believe that in her Presidency, our Province will grow to its highest potential. We are signing this Manifesto of Support to show our sincere dedication for Presidentiable Grace Poe as we all encourage every Masbateno to rally behind a God-fearing and decent President,” dagdag pa ng alyansa ayon sa opisyal na manifesto.

Kasama sa mga nagsilagda kahapon si Ciceron Altarejos (NP) Congressman 1st District, Antonio Mendoza (NP) – Board Member 1st District, Patrick Lim (NP) – Board Member 3rd Dist., Antonio Sese (NP) – Mayor San Fernando, Nelson Cambaya (LP) – Mayor Batuan, Sotero Cantela (LP) – Monreal, Aldous Pitous (NPC) – Mayor Mobo, Diomedes Amarato (NP) – Mayor Pio V. Corpus, Sanny de Jumo (LP) – Mayor San Jacinto, Froilan Andueza (LP) – Mayor Claveria, Jun Magbalon (NP) – Mayor Cawayan, Peter Garcia (Independent) – Mayor Dimasalang at Bygor Villapane (NP) – Mayor San Pascual.

Maalalang noong nakaraang linggo, nagsipaglipatan na rin ng kanilang pagsuporta ang limang incumbent governor ng Bicolandia na pinangungunahan naman nila Albay Governor Joey Salceda, Camarines Norte Governor Edgardo Tallado, Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, Sorsogon Governor Raul Lee at Catanduanes Governor Cely Wong.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *