Sunday , December 22 2024

Kid’s magic lalong lumakas (Peña angat sa house-to-house survey 67% kontra 22% ni Abby Binay)

MAS lalong lumakas ang tinatawag na ‘KID’s Magic’ sa Lungsod ng Makati makaraang magposte ng 67% si incumbent mayor Kid Peña laban sa katunggaling si Abby Binay na may 22% lang sa pinakahuling survey na kinomisyon ng business sector organization at cause oriented groups sa siyudad.

Sa naturang survey, lumabas na mayroon pang 11% ang undecided, ngunit kahit makuha pa ito ng dalawang kalaban, tiyak na ang landslide victory ni Peña at siya ang nakikita ng mga residenteng angkop na mamamahala sa lungsod sa susunod na tatlong taon.

Isinagawa ang survey mula Abril 7-17. Sa nasabing survey na sumuri sa 8,489 residente ng lungsod, 67 percent (5,678) ang pumili kay Peña samantala 22 percent (1,892) lamang ang pumili sa kanyang katunggali na si Congresswoman Abigail Binay.

Nagpasalamat si Mayor Peña sa mga taga-Makati sa kanilang patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa kanyang pamamahala at sa kanyang kakayahan na ibigay ang serbisyo para sa mga mamamayan.

“Ako ay nagagalak sa resulta ng pinakabagong survey sa Makati na ako po ay nanguna ng 45 percent sa aking kalaban,” dagdag ni Peña.

“Kung ako po ay inyong ihahalal sa posisyon, makasisiguro po kayo ng mas maganda at maayos na benepisyo at serbisyo para sa lahat.”

Ipinakita ng survey na tumaas ang bilang ng mga botante (67 percent) na pabor kay Peña ngayon kung ihahambing noong eleksiyon 2013 na nakakuha siya ng 48.10 percent ng boto.

Ayon kay Peña, sa kanyang 10 buwan pamamalagi bilang alkalde ng lungsod mas marami siyang naibigay na serbisyo at benepisyo sa mga residente ng Makati at empleyado ng City Hall. Itinulak niya ang “transparent and good governance” sa pamamagitan ng pagbubukas ng bidding sa publiko kabilang na ang media.

Ang senior citizens sa lungsod ay hindi na kailangan pumila nang mahaba sa health centers at botika dahil may isang medical team na bumibisita sa kanila para sa kanilang check-up at para maghatid ng mga gamot.

Pinapahalagahan ni Mayor Peña ang ibang sektor ng lipunan upang ang kanilang mga pangangailangan ay matugunan at malinang din ang kanilang kakahayan.

Kamakailan, sa Flores de Mayo ay binigyang pansin ang mga batang may kapansanan na nagsilbing mga reyna at escort sa sagala.

Bukod rito, ipinagkaloob ni Mayor Peña ang “regular” na status sa mga empleyado ng lungsod na mahigit 20 taon nang naninilbihan sa Makati.

Nangangako ang punong lungsod na magbibigay siya nang mas maraming pinabuting benepisyo sa kalusugan at medical para sa mga residente na magdaragdag sa natatamasa nilang benepisyo sa kasalukuyan.

Sinisiguro ni Peña na buburahin niya ang kultura ng paghihiganti na ang mga hindi kapanalig ay kinukutya, pinahihirapan at pinagkakaitan ng serbisyong panlipunan.

“Hinihimok ko ang mga taga-Makati na bumoto nang maayos sa May 9 at isipin ang ikabubuti ng lungsod at ng mga tao rito,” dagdag ni Peña.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *