Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chiz: Botante papiliin ng pinuno (RoRo sa likod ng anti-Duterte)

“MAYAMAN man o mahirap, bawa’t Pilipino ay may isang boto. Lahat tayo ay patas. Lagi kong ipaglalaban ang pagkaka-pantay pantay nating ito.”

Ito ang naging pahayag ni independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero, na sinabi nitong Biyernes ng gabi na hindi dapat maipagdamot sa taong bayan ang karapatang mamili kung sino ang gusto nilang mamuno sa bansa. Bunsod ang payahag ni Escudero ng usap-usaping magsanib puwersa si Sen. Grace Poe at LP presidential bet Mar Roxas laban kay Davao Mayor Rodrigo Duterte.

“Irespeto, linangin at ipaglaban natin ang karapatang pumili ng sambayanan kung sino ang gusto nilang maging sunod na Presidente at Bise Presidente,” ani Escudero.

Tinuligsa ni Escudero ang balakin ng mga “elitista” na maneobrahin ang eleksyon sa pamamagitan ng paglimita sa mga mapagpipiliang kandidato.

Binigyang diin rin ng Bikolanong senador na hindi niya hahayaang diktahan at kontrolin ng mga makapangyarihang mangangalakal at pulitiko ang direksyon ng pulitika at halalan sa bansa.

Nabanggit pa ng batikang mambabatas na hindi siya sang ayon “sa eleksyong dinesisyunan lang ng iilan, lalo na ng tinaguriang naghaharing-uri.”

Sa paratang naman ng running mate ni Mayor Duterte na si Sen. Alan Cayetano na si Poe ay katuwang diumano ng Malacañang at ni Roxas sa pagdiskaril ng kampanya ni Duterte, mariing itinanggi ito ni Escudero.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na bukod sa balaking paurungin sa pagtakbo si Poe o si Roxas sa pagkapangulo, ang Palasyo at mga kampo nila Poe at Roxas din ang may kinalaman at nagpasimuno sa mga negatibong patalastas na naglabasan laban kay Duterte. Pinabulaanan ni Escudero ang akusasyon.

“Mula’t sapul ay naging malinis ang pangangampanya namin ni Sen. Grace. Umiwas kami sa pamemersonal at mga negatibong banat. Hinding hindi namin istayl ang binabanggit ni Sen. Cayetano na paninira. Ito’y wala sa ugali namin at hinding namin ito papayagan,” giit ni Escudero.

Dagdag pa ng Bikolanong senador na dapat itigil na ni Cayetano ang paninisi at pagdamay sa kanila ni Poe sa mga negatibong patalastas laban kay Duterte. Mariin pa niyang sinabi na base sa naging galaw ng mga puwersa ng kandidato nitong eleksyon ay tanging ang kampo lang ng Roxas-Robredo ang may kakayanang gumawa ng mga mapanirang aksyon laban sa kapwa kandidato, kasama na rito si Duterte.

“Ang administrasyon at ang Liberal Party lang ang may kapabilidad at matinding sikmurang makagagawa ng mga ganito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …