Friday , November 15 2024

El Shaddai kay Bongbong

MATAPOS makuha ang suporta ng Iglesia Ni Cristo (INC), ang El Shaddai naman ang nagpahayag ng endoso kay vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kinompirma ito ngayon ni Willie Villarama, political adviser ng El Shaddai at sinabing si Bongbong ang iniendoso ng grupo nila bilang pangalawang pangulo.

Aniya, 95 percent ng miyembro ng El Shaddai ang pumili kay Bongbong sa survey na ginawa nila noong nakaraang Sabado pagkatapos ng kanilang prayer vigil sa Amvel, Parañaque. Nagpakita rin si Villarama ng sample ballot ng grupo.

Walang inendoso ng El Shaddai sa pangulo dahil masyado umanong dikit-dikit ang naging botohan.

“Si Bongbong talaga ang may nakalululang suporta ng mga miyembro ng El Shaddai,” ani Villarama.

Una rito, sinabi ni Buhay Cong. Lito Atienza na nagsabing si Bongbong Marcos ang napili ng buong grupo at ni El Shaddai leader na si Bro. Mike Velarde. Siya rin mismo ay personal na sumusuporta kay Bongbong bilang bise presidente.

Ang Buhay ay party-list ng El Shaddai. Mayroong walong milyong miyembro sa iba’t ibang parte ng mundo. Si Marcos lamang sa lahat ng kumakandidatong bise presidente ang ipinakilala ni Velarde sa mga dumalo sa Amvel noong Sabado.

Kasama ni Marcos sina Vice President Jejomar Binay at Senador Grace Poe.

Malugod na sinalubong si Marcos sa Amvel at marami sa kanila ang nagsabing siya ang napiling kandidato ni Velarde bilang bise presidente.

Matatandaang si Bongbong din ang pinili ng INC bilang bise president kasama ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *