Friday , November 15 2024

Oca ‘di na magigiba (Sabi ng political analyst, 280,000 votes lamang sa 4 survey)

MASYADO nang malayo ang inilamang ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa lahat ng isinagawang survey sa Caloocan City, at kakaunti na lamang ang natitirang araw bago mag-eleksiyon, para magkaroon pa ito ng pagbabago.

Ito ang inihayag ni Prof. Catherine Malilin, political science professor ng Ateneo de Manila University, matapos suriin ang resulta ng apat na magkakahiwalay na surveys mula Disyembre 2015 hanggang Abril 2016.

Tinutukoy ang mga survey na: Actual and Comprehensive Evaluators (ACE) survey noong Abril 2016 na nakakuha ng 69.2% si Mayor Oca samantala 24.8 lang si Enrico “Recom” Echiverri; Probe Data Processing & Research Services survey noong Marso 2016 na 65.8% sa respondents ang nagsabing si Mayor Oca ang kanilang iboboto kung ngayon na ang eleksiyon, samantala 27% lang ang nakuha ni Recom; Social Weather Stations (SWS) survey noong Enero 30 – Pebrero 02, 2016 na 67% sa mga botante ang pumabor kay Mayor Oca samantala 27% lamang kay Recom; at isa pang SWS survey noong Disyembre 2015, na 64% ang maagang nagdesisyon para kay Mayor Oca samantala 26% lamang si Recom.

Ibig sabihin nito, 483,000 votes ang makukuha ni Mayor Oca o mahigit 40% (280,000 votes) na inilamang niya laban kay Recom, isang landslide na panalo kung ibabatay sa 700,000 botante ng Caloocan.

“Tapos na ang eleksiyon sa Caloocan. Formality at validation na lamang ang magaganap sa May 09,” tiwalang pahayag ni Malilin.

Mula sa malaking agwat ng mga pabor kay Malapitan sa age group, lumitaw din sa pag-aaral ng SWS na maging sa educational attainment ng elementary, high school at college graduate ay nakakuha ng 67% si Malapitan samantala 27% naman si Echiverri.

Kabilang din sa mga ibinigay na dahilan ng respondents kung bakit nila iboboto si Malapitan ay may mga nagawa siyang proyekto sa kanilang lugar – 54%, may magandang plano para sa Caloocan – 44%, tumutulong sa mahihirap – 37%, madaling lapitan – 31%, magaling sa pamamahala ng lungsod – 18%, masipag – 18% at mapagkakatiwalaang pinuno – 13%.

Pinasalamatan ni Malapitan ang mga mamamayan ng Caloocan na patuloy na nagtitiwala sa kanyang liderato, lalo at dinatnan niya ang lungsod na masama ang financial status, peace and order, traffic at basura.

“Nagsasawa na ang mga taga-Caloocan sa inabot nilang kapabayaan sa mga nakaraang administrasyon. Nagpapasalamat tayo dahil nararamdaman ng mga residente ang magandang pagbabagong ipinatupad natin, lalo na ang pagpaparating ng serbisyo hanggang sa pintuan ng bawat mamamayan,” anang alkalde.

Ang City Government ng Caloocan sa ilalim ni Malapitan ay makailang ulit nagawaran ng DILG ng Seal of Good Housekeeping, Seal of Good Local Governance at Seal of Good Financial Housekeeping.

Bago pinagkalooban ng award, mabusising inimbestigahan ng DILG ang paraan ng pamamahala ng mga lungsod at nadiskubre ang masinop na paggasta at maingat na pangangasiwa ni Malapitan sa pondo ng lokal na pamahalaan.

 “Transparency in all financial transactions, no graft and corruption, 1.2 million people benefitted in our social services, brand new rescue vehicles and equipment, most peaceful city in Metro Manila na hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng Caloocan ngunit ating nasakatuparan, ilan lang ito sa marami nating nagawa dahil na rin sa tulong ng ating department heads at barangay officials sa lungsod,” sabi ni Malapitan.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *