Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH kulelat sa Press Freedom (Lider dapat kumilos — NUJP)

IKINALUNGKOT ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ngunit hindi ikinagulat ang mababang ranking ng bansa sa latest World Press Freedom Index na ipinalabas ng Reporters Without Borders (RSF).

Ang Filipinas ay ika-138 sa 180 bansa, sa score na 44.6 points, sapat para ikategorya sa Press Freedom map bilang “bad.”

Anang NUJP, tama ang RSF sa kanilang punto na ang “media killings” sa Filipinas ay kadalasang hindi nagkakaroon ng katarungan, at sa ‘climate of fear’ na ito, ipinatutupad na lamang ng mga journalist ang ‘self-censorship.’

Katulad ng nakaraang mga administrasyon, wala umanong ginawang hakbang ang gobyernong Aquino para wakasan ang pagpaslang sa mga journalist.

Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Benigno Aquino III, 31 mamamahayag ang napatay, at umabot na sa 171 ang kabuuan mula noong 1986. Habang siyam iba pa ang nakaligtas sa pagtatangka sa kanilang buhay, at 37 ang tumanggap ng death threats.

Gayonman, iilan lamang sa mga gun man ang na-convict at walang nadakip na mastermind.

Marami nang mga rekomendasyon ang NUJP at iba pang media watchdog katulad ng pagbubuo ng quick reaction teams at pagpapalakas ng Witness Protection Program, at iba pa, ngunit binalewala lamang.

Sa katunayan, hindi pinansin ni Mr. Aquino ang mga pag-atake at banta laban sa mga journalist at may mga sandaling nagpahayag ng kanyang galit sa critical press.

“The slow-paced Ampatuan trial offers no solace. After more than six years, more than 70 suspects remain at large. One of the primary suspects, Sajid Islam Ampatuan, was ordered released on March 9 after posting P11.6-milllion bail bond. Sixteen other accused police officers were also granted bail,” pahayag ng NUJP.

Bagama’t may ilang progreso sa kaso ng pagpaslang kay Palawan broadcaster Gerry Ortega, katulad ng paglilitis sa sinasabing mastermind, at inaasam ang conviction, ito ay dahil sa pagsisikap ng pamilya Ortega at sumusuportang media organization at mga kaibigan.

“Even the so-called super body composed of several government agencies has failed to solve media killings.

In light of the country’s continuing dismal showing in the Press Freedom Index, we challenge whoever wins the May 9 elections to decisively address impunity, particularly by undertaking meaningful reforms that would pave the way for the resolution of media killings and an end to the bloodshed, and push for legislation that would guarantee freedom of information and the exercise of freedom of the press in general,” paha-yag ng NUJP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …