Friday , November 15 2024

Peace & Order prayoridad ni Mayor Lim

PAGTULDOK sa mga aktibidad ng riding-in-tandem criminals at agarang pagpapabalik ng kaayusan at kapayapaan sa Maynila.

Ito, ayon sa nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo S. Lim, ang ilan sa mga pangunahing aksiyon na kanyang gagawin sa oras na makabalik sa City Hall, kasabay ng puna na ultimo mga awtoridad sa Maynila ay hindi na rin ligtas at kinatatakutan ng nasabing mga kriminal.

Ikinalungkot ni Lim ang umano ay palala nang palalang kalagayan ng kapayapaan sa lungsod sa loob ng nakalipas na tatlong taon, na ang mga residente ay nagiging kawawang biktima ng lahat ng uri ng krimen gaya ng armadong holdup at robbery incidents, snatching at lantarang patayan sa kalsada.

Nagpahayag din ng pagkadesmaya ang dating alkalde, na palagiang nangunguna bilang kandidatong alkalde sa mga survey ng mga kampo ng oposisyon, dahil ultimo umano mga barangay chairman at opisyal ay napapatay sa ilalim ng tirik na araw at ilan sa mga insidente ay naganap kundi sa loob ay malapit lamang sa mga barangay hall.

Inihayag ni Lim, mula 2014 hanggang Marso 2016, walong insidente na ang naitala na tinatapunan ng granada ng mga riding in-tandem suspects ang mga estasyon mismo ng pulisya sa Maynila at hanggang ngayon ay wala pang napapanagot sa lahat ng nasabing insidente.

Ayon kay Lim, ang mga nasabing insidente ay maliwanag na insulto  sa mga awtoridad na dapat sana ay tinitingala at kinatatakutan, lalo na ng mga kriminal.

Bilang isa mismong decorated police officer bago naging politiko, sinabi ni Lim na hindi niya hahayaan ang mga kriminal na makapaghasik ng takot sa hanay ng mga ordinaryong mamamayan ng Maynila at gagawa siya ng mga hakbang upang manumbalik ang respeto sa mga awtoridad.

Ang mga nasabing insidente ng paghahagis ng granada ng riding in-tandem suspects at ang mga sumusunod ang naapektohang police station: Marso 20, 2014 – Smokey Mountain Police Community Precinct (Vitas, Tondo), isang mobile car ng Malabon Police ang na-damage; Abril 24, 2014 – MPD Station 1 (Raxabago, Tondo) sasakyan mismo ng station commander ang nasunog; Oktubre 6, 2014 – MPD Station 1 (Raxabago, Tondo) isang pulis ang nasugatan;  Oktubre 14, 2014 – MPD – Station 1; Enero 30, 2015 – MPD-Station 7 (Jose Abad Santos Avenue, Tondo); Abril 8, 2015 – MPD Station 6 (Sta. Ana);  Marso 14, 2016—MPD Station 10 (Pandacan) at Marso 15, 2016 – MPD Station 1 (Smokey Mountain Police Community Precinct). (L. BASILIO)

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *