Friday , November 15 2024

Grace-Chiz: Tambalang Pagkakaisa

SA laki ng posibilidad na ang susunod na presidente at bise presidente ay makakukuha lamang ng minorya ng aktwal na kabuuang 54.4 milyong boto, ang hamon sa kanila ay kung paano papagkaisahin ang bansa matapos ang mainitang kampanya at malapitang resulta ng halalan.

Sinabi ito ni independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero sa isang panayam nitong Lunes na siya at ang katambal na si Sen. Grace Poe ay nasa pinakamagandang posisyon upang pagkaisahin ang mga kampong magkakatunggali dahil sa kanilang malinis na kampanya na nakabase sa plataporma at hindi sa personal na atake ng mga katunggali.

“Pinatakbo namin ang isang kampanyang malinis dahil pareho kaming naniniwala na ang susunod na pangulo at bise presidente ay susuong sa mabigat na trabaho upang pagkaisahin ang bansa dahil nakikinita namin na magiging malapitan ang resulta ng ehersisyong ito,” diin ni Escudero na nagsabi rin na siya at si Poe ay nakuhang umiwas sa pagbabansagan at pagbabatuhan ng putik na naging paraan ng marami nilang katunggali.

“Kaya nga mula pa lamang sa umpisa, nagpasya na kaming pamunuan ang isang kampanyang malinis dahil tiyak namin na sinuman ang maging presidente at bise presidente ay mangangailangang maglingkod nang maayos upang pagkaisahin ang bansa. Isang linggo na lang pero nagbabangayan pa rin ang mga kandidato,” ayon sa senador mula sa Bicol.

Iginiit ni Escudero na mas makabubuti para sa mga botante ang maghalal ng kandidatong hindi pinaghiwalay ang bansa sa kampanyang ito, dahil na rin sa laki ng posibilidad na iboboto ng minorya ang uupong presidente at bise presidente matapos ang halalan.

“Sinuman ang magiging presidente o bise presidente ay magiging minority president at vice president. 35% lamang ng kabuuang boto, panalo na. Ibig sabihin nito, 65% ng ating mga kababayan ay iba ang ibinoto at 65% ang hindi sila gusto,” paliwanag ng beteranong mambabatas.

Dagdag ni Escudero, ang mga kandidatong “polarizing” – na ang tinutukoy ay sina Sen. Bongbong Marcos at ang mga pambato ng administrasyon – ay hindi magagawang pahupain ang tensiyon ng kampanya at hindi mapapag-isa ang bansa dahil sa init ng awayan at bangayan sa gitna ng kampanya.

“Kung sa simula pa lang, may away na, kung simula pa lang may kaaway na, kung simula pa lang may nagra-rally… paano po natin mapag-iisa ang ating bansa?”

“Ang hamon sa bawat isa sa atin kung paano tahi-tahiin ang kulay na nag-aaway-away ngayon. Kami ni Senator Grace ay puti.  Administrasyon ay dilaw. Ang ibang kandidato ay asul at pula. Kung titingnan ninyo parehong kulay ng ating bandila, watak-watak ngayon at hiwa-hiwalay. Sana pagkatapos ng halalan, matahi po nating muli ang mga kulay na ‘yan. Hindi lamang para mabuo ulit ang ating watawat pero para mabuo po ulit ang ating bansa.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *