Monday , December 23 2024

Digong sinungaling na magnanakaw pa

KAWAWA ang taumbayan kapag nagpatuloy silang naniniwala sa ipinapangako ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ang sentimyento ngayon hindi lamang ng maliliit na sektor ng lipunan kundi maging ng inirerespetong Makati Business Club at Management Association of the Philippines (MAP).

Hindi na maikakaila na matagal nang nagising sa tunay na katauhan ng alkalde ng Davao City ang mga residente ng kanyang nasasakupan sa siyudad na tinaguriang Murder Capital City of the Philippines kaya nakadagdag pa ang sentimyento ng nasabing asosasyon ng investors sa bansa.

Naunang pinaratangan ng mga tinig mula sa sektor ng mangingisda, magsasaka, kababaihan, urban poor at kabataan na isang malaking sinungaling si Duterte nang kanyang itanggi ang P211 million hidden account sa Bank of the Philippine Islands, Julia Vargas Ave. Branch na ibinulgar noong nakaraang linggo ni vice presidential candidate Senador Antonio V. Trillanes IV.

Ngunit kalaunan pala ay aaminin rin sa bandang huli na mayroon nga siyang account sa nasabing banko.

Maging ang pamunuan ng MAP at Makati Business Club ay nadesmaya sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Duterte na iniulat ng kanilang chair na si Ramon R. del Rosario sa kanyang kolum sa isang broadsheet na tanging ang peace and order lamang ang naiharap sa kanila ni Duterte nang maging panauhin sa kanilang business forum kamakailan.

Lalo na ngayong lumitaw sa annual report ng Commission on Audit (COA) na mula Disyembre 31, 2003 hanggang 2007, hindi pa rin naise-settle ni Mayor Duterte at City Council na pinamumunuan ng kanyang anak na si Sara “Inday” Duterte ang may P2.9 bilyong halaga ng equipment at properties na binili ng City Hall.

Iniulat ng COA na hindi pa rin mapagtitibay ang sinasabing 82% ari-arian ng Davao City Hall na umaabot sa P2,933,909,784.17 dahil nabigo pa rin ang city government na magsagawa ng physical count and nabigong iprepara ang pagsusumite ng nasabing report.

“Paano pa kami maniniwala na si Digong ang aming tagapagligtas kung noong una, nagsinungaling na siya tapos matutuklasan naming magnanakaw din pala siya. Tama ang naglabasang report na sila nga ang Binays ng Davao City,” galit na ipinahayag ni Isagani Marquez ng Valenzuela City, isang dating masugid na supporter ng Tambalang Tapat, Tambalang Dapat ni Duterte at Senador Allan Peter Cayetano.

“Noong una, bumitaw kami kay Binay dahil sa sobrang graft and corruption niya. Sumama kami kay Digong dahil Bisaya kami at taga-Surigao del Norte. Pero wala rin pala siyang ipinagkaiba sa mga magnanakaw na politiko. Sinungaling na at magnanakaw din pala!” ani Aida del Carmen ng Payatas, Quezon City.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *