Friday , January 10 2025

Private armed group leader arestado sa Masbate

NAGA CITY – Kinompirma ng Regional Special Operation Task Force (RSOTG-Masbate), hawak ng isang mayoral candidate ang lider ng isang private armed group (PAG) na nahuli sa bayan ng Balud, Masbate.

Ayon kay Chief Insp. Arthur Gomez, PCR-Chief ng RSOTG, tauhan ni mayoralty candidate Ruel Benisano ang suspek na si Oriel Villaruel.

Taon 2007 aniya nang magretiro si Villaruel sa PNP at pumasok sa nasabing grupo, sa pangangalaga ng nasabing opisyal.

Una rito, nahuli ang suspek sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad at narekober ang isang granada, caliber .45 at mga bala ng nasabing baril.

Hinihintay pa ang magiging kasagutan ni Benisano na iniuugnay sa suspek.

About Hataw News Team

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *