Friday , November 15 2024

Pinoy hackers nagdeklara ng ‘ceasefire’

NAGDEKLARA ng ‘ceasefire’ ang Anonymous Philippines, ang grupong sangkot sa pag-hack ng ilang government websites.

Tiniyak ng grupong Anonymous Philippines, kanila itong ipatutupad hanggang sa proklamasyon ng bagong presidente ng Filipinas.

Samantala, inihayag ng tagapagsalita ng grupo na magmula noong 2010 ay tuloy-tuloy nilang mino-monitor ang system ng Commission on Elections (Comelec).

Noong 2013 palang aniya ay kanilang ibinunyag na mahina ang website ng poll body.

Malinaw aniya ang kapabayaan ng Comelec sa usaping ito dahil hindi na-upgrade ang systems ng poll body.

Binalaan ng grupo ang poll body na panatilihing malinis ang halalan sa Mayo 9.

Anila, ito ay dahil hawak pa rin nila ang higit 50-million voters information na nakuha nila nang ma-hack ang website ng Comelec noong Marso.

Ngunit mariing itinanggi ng grupo ang pagkakasangkot sa pagsisiwalat sa internet ng voters’ information.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *