Monday , December 23 2024

P2B+ dapat ibalik ni Recom (Para sa Caloocan)

BATAY sa mahigit 75 Notice of Disallowances mula sa Commission on Audit (CoA) para kay dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, aabot sa mahigit P2-bilyon ang kailangang ibalik na pera sa kabang-yaman ng Caloocan City.

Sa 75 Notice of Disallowances kay Echiverri, 66 dito ang iniakyat na sa kasong kriminal –  malversation, technical malversation, violation of Anti-Graft and Corrupt Practices Act, falsification of public documents sa Ombudsman, at 54 ang “for resolution” o hinihintay na lamang ang hatol.

Ipinalalabas ang Notice of Disallowance bilang hatol ng COA sa mga sangkot sa maanomalyang transaksiyon sa gobyerno, at layon nito na maibalik ng mga sangkot, ang mga nawawalang pondo sa kabang-yaman ng pamahalaan, dahil ilegal ang pagpapalabas o paggastos nito.

Ayon sa batikang abogado na si Atty. Ferdinand Cordova, ang suma-total ng mga kasong ito ay maaaring umakyat sa kasong “plunder” o pandarambong dahil ang P2-bilyon ay 40 beses na doble sa batayang P50-milyon na nakulimbat, para umakyat ang kaso sa plunder.

Kabilang sa mga halagang dapat ibalik ni Recom sa kabang-yaman ng Caloocan City ang P72 milyon na ginastos sa bogus na insurance, ang ilegal na pagpapalabas ng P36-milyon intelligence fund, ang P81-milyon development fund na nakapaloob ang ipinambili ng P29,600 bawat isang basurahan na umabot sa P5.5 milyon ang kabuuan, mga maanomalyang pagawaing bayan gaya ng drainage, covered courts, road widening, street lights, pathwalks na aabot sa mahigit P300 milyon, at maraming iba pa.

Ang Notice of Disallowances sa Caloocan City (lahat sa panahon noong mayor pa si Recom) ay nakalathala sa website ng gobyerno: www.coa.gov.ph.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *