Friday , November 15 2024

6 patay, 11 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing sa lalawigan ng Aurora ng mga magkakamag-anak na sakay ng isang pampasaherong van kahapon.

Anim na ang patay mula sa 17 sakay ng isang passenger van na nahulog dakong 2:30 a.m. sa halos 50 meters na lalim ng bangin na dumiretso sa ilog sa Brgy. Ismael, Maddela, Quirino.

Ayon kay Chief Insp. Avelino Cuntapay, Police Community Relations Officer ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), patungo sana sa isang outing sa Aurora province ang mga biktima nang biglang mawalan ng preno ang van sa nasasakupan ng Brgy. Ismael.

Dumiretso sa ilog ang van makaraan mahulog sa bangin kaya’t hindi na nakaligtas ang mga namatay na kinabibilangan ng dalawang babae at apat na lalaki.

Ang pampasaherong van na biyaheng Santiago City-Ilagan City ay minamaneho ni Edgar Taccaban na kabilang sa mga namatay.

Ang 11 sugatan ay isinugod sa Quirino Province Medical Center sa Cabarroguis, Quirino.

Sinabi ni Chief Insp. Godofredo Wasin, hepe ng Maddela Police Station, kabilang sa mga namatay ang isang Ester Mamaoag ng Angadanan, Isabela. May mga bata rin sa mga nasugatan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa trahedya at inaalam pa ang pangalan ng lahat ng mga biktima.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *