Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guardians kay SGF Chiz (Sa huling patak ng dugo)

SA malinaw na plataporma sa pagtakbo sa ikalawang-puwestong halal ng bansa, inendoso nitong Biyernes ng Makabansang Unifikasyon ng Guardians, Inc. (MUG) ang kandidatura ng isa nilang Supremo, ang independent vice presidential candidate na si Sen. Francis “SGF Chiz” Escudero.

“Para sa aming hanay, si Escudero ang naghayag g malinaw na plano kontra kahirapan at ang kanyang pagbibigay-lundo sa ‘walang maiiwan sa kapatiran’ ay nakabatay sa hangarin ng bawat isa naming miyembro at sa pangunahing layunin ng Guardians Brotherhood,” ayon kay Alex “CNF APQ” Quillope, Chairman of the Board of Governor ng MUG.

Bilang kinatawan ng MUG at tagapagpasunod ng naturang samahan, sinabi ni Quillope, kilalang MUG-NC-APQ, siya ay nananawagan, “sa lahat ng mga kapatid na Guardians sa buong mundo na makiisa, sumali at sumuporta sa kandidatura ng ating mahal na Supremo at kapatid na Chiz Escudero hanggang sa huling patak ng Dugo ng Guardians.”

“Di lamang bilang isang sagradong gawain para sa isang kapatid at para sa ikabubuti ng kapatiran kundi, mas mahalaga, bilang isang mabuting mamamayan para sa ikabubuti ng buong bayan” dagdag ni Quillope.

Bukod sa nabanggit na katangian, sinabi ni Quillope, ang Guardians ay “ikinalulugod at humahanga” sa track record ni Escudero bilang mambabatas, maging sa kanyang “matapang na adbokasiya” laban sa katiwalian at “paggigiit sa legal na paraan laban sa krimen at terorismo.”

“Malinaw sa amin na si Senador SGF Chiz ay handang gampanan ang tungkulin bilang pangalawang pangulo, hindi dahil may pinakamagandang kuwalipikasyon kundi siya ay may nagawa na, kitang-kita at subok na kaya niyang manindigan, lalo para sa mga inaapi, at mahihirap, katulad ng marami naming mga kapatid sa Guardians,” paliwanag ni Quillope.

Ang MUG ay itinala sa rehistro ng Securities and Exchange Commission noong 2010, at nagsisilbing umbrella organization ng lahat ng miyembro ng Guardians sa Metro Manila na umabot sa 11 milyon.

May mga rehistradong miyembro sa maraming bahagi ng mundo.

Bilang tugon sa endoso, pinasalamatan ni Escudero ang MUG sa kanilang pakikisa sa adbokasiya ng pagtutugon sa ugat ng kahirapan sa bansa.

“Ako po ay lubos at taos-pusong nagpapasalamat kay Chairman Alex, sa mga miyembro ng kapatiran at Board of Governors ng MUG, sa iba’t ibang branches ng Guardians, sa ating Supreme Adviser na si General Sonny Razon, Jr., at sa lahat ng mga kapatid na Guardians sa buong mundo sa inyong malakas na suporta, paniniwala at pakikiisa sa aming adhikain na labanan ang kahirapan mula sa ugat nito at walang maiiwang Filipino sa aming administrasyon,” ayon sa Bicolanong Senador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …