Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Deboto ng Poong Nazareno suportado si Mayor Fred Lim

NAGPAHAYAG ng buong suporta ang mga deboto ng Itim na Nazareno para sa kandidatura ng nagbabalik na Manila Mayor Alfredo S. Lim, dahil siya ang pinaniniwalaang makapagpapabalik ng libreng serbisyo sa mga ospital ng lungsod at maaaring magpabukas muli ng Lacson underpass upang magamit ng publiko.

Personal na nakipagkita ang mga deboto at mga lider nila kay Lim, kasabay ng pagtiyak na kanilang ikakampanya at iboboto, sampu ng kanilang pamilya at mga grupong kinabibilangan.

Nananalig umano sila, sa pamamagitan ni Lim maaaring bumaba ang amilyar at maprotektahan ang mga vendor gayon din ang tricycle, pedicab at jeepney drivers mula sa lahat ng uri ng pangingikil at panggigipit.

Pinasalamatan ni Lim ang mga deboto at tiniyak sa kanila na ibabalik niya ang libreng paggamit ng Lacson underpass para sa publiko ano mang oras o araw dahil ito ang layunin kaya ginawa ang nasabing underpass.

Nagpahayag si Lim ng pag-aalala para sa senior citizens at mga may kapansanan kung paano nila aakyatin ang matarik na hagdan ng overpass upang makapunta lamang sa kabilang kalsada.

Inireklamo ng mga deboto na mula nang gawing mall ang Lacson underpass sa Quiapo, hindi lamang mga residente ng Quiapo kundi ang buong lungsod ang inalisan ng karapatan upang madaling makapunta sa magkabilang panig ng Quiapo, kundi maging mga deboto at nagsisimba sa Minor Basilica ng Black Nazarene o mas kilala bilang  ‘Quiapo Church’ ang nahihirapan sa araw-araw.

Ayon sa mga deboto, ang pagsasara ng nasabing underpass bago at matapos ang mall hours ay  nakalilikha ng problema sa mga  taga-Maynila dahil ito ang tanging daanan patungong Quiapo church.

Ang mga deboto umano ay walang magawa kundi tumawid sa island na bawal at mapanganib habang ang iba ay nagtitiyagang mahirapan gumamit ng overpass sa Paterno na lubhang malayo mula sa simbahan.

Mahigit 100 metro ang layo ng nasabing overpass sa Lacson underpass, hirap umano lalo na ang mga maysakit at may edad at tuwing piyesta ng Itim na Nazareno, hindi na rin magamit ang overpass dahil puno ito ng mga deboto at mananampalataya na nag-aabang sa pagdaraan ng banal na imahe.

Ang ngayon ay tinaguriang ‘Victory Lacson Underpass’ ay isinasara mula 5 p.m. ng Enero 8 hanggang maghapon ng Enero 9 o mismong araw ng piyesta, kaya’t hirap lalo ang mga deboto.

Pito ang lagusan ng nasabing underpass para sa mga publiko patungo o mula sa Carriedo at Villalobos streets, Quezon Boulevard, Plaza Miranda, Hidalgo, Arlegui at Barbosa Streets.

Matatandaan na nang umupo si dating pangulong Joseph Estrada sa City Hall, ipinasara niya ang nasabing underpass nang ilang buwan at nang magbukas muli, isa nang mall kaya’t nagagamit lamang ang underpass kapag mall hours, mula 8:30 ng umaga hanggang 8:30 p.m.

Naiulat na isang kompanya na White Scope Property Management, Inc., ang nasa likod ng Victory Mall chain sa Caloocan, Pasay at Antipolo ang nakakuha ng kontrata para sa renovation  ng naturang underpass.

Kasama roon ang karapatan na magpatakbo ng underpass sa loob ng 25 taon sa ilalim ng joint venture agreement sa City Hall at pangasiwaan ang  200 commercial stalls sa loob ng underpass na nagrerenta umano mula P5,000 hanggang 35,000 kada stall.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …