Monday , December 23 2024

41 properties ni Digong wala sa SALN

ISA na namang expose ang pinasabog ni Senador Antonio Trillanes IV laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Nagbigay ng listahan ng mga ari-arian ni Duterte at ng kanyang mga anak na sina Paolo, Sebastian at Sara sa GMA News, na may kabuuang bilang na 41 properties.

Bineripika ang listahan sa Land Registration Authority upang siguraduhing nasa pangalan nga ni Duterte at ng kanyang pamilya ang titulo ng mga lupain na nakalagay dito.

Ayon sa LRA, 4 lamang sa mga property sa listahan ang nailipat na sa ibang may-ari at wala na sa mga pangalan ng mga Duterte.

Ayon sa 2014 na SALN ni Duterte, may mga lupain na pag-aari nila sa Davao mismo at sa mga kalapit na lugar. Ngunit wala sa SALN nito ang bahay na ibinigay bilang address sa rekord mga sikretong bank account nito sa BPI Julia Vargas branch. Base sa dokumentong inilabas ni Trillanes, P. Guevarra St., sa San Juan ang ibinigay na address sa rekord ng banko.

Sabi ng LRA, nakarehistro daw ang bahay na ito sa anak ni Duterte na si Sebastian, simula noong 13-anyos pa lamang. Ayon sa mga eksperto, halata raw na pagtatago ang ginawa ni Duterte dahil ipinapangalan sa mga kapamilya ang mga ari-arian.

Wala rin sa mga isinumite na SALN ni Duterte ang bahay sa San Juan na nakapangalan kay Sebastian, kahit sa ilalim ng mga regulasyon ay dapat ireport niya ang mga ari-arian ng mga anak na menor de edad.

Sabi naman ng anak na si Sara, kasuhan na lamang daw sila at doon nila sasagutin ang mga paratang sa kanila. Matatandaang ganito rin ang depensa ng pamilya Binay habang hinaharap nila ang alegasyong nangurakot sila mula sa mga transaksiyon sa lungsod ng Makati.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *