Friday , November 15 2024

Ngitngit ng Caloocan ibinuhos vs ‘gintong’ basurahan (Recom lagot)

“ISANG sistematikong pagnanakaw sa pera ng bayan ang naganap sa siyam na taong panunungkulan ni Enrico “Recom” Echiverri bilang mayor ng Caloocan.”

Ito ang madamdaming pahayag ni Perla Madayag, Presidente ng Homeowners Association (HOA) ng Brgy. 68, bilang reaksiyon sa nabunyag na paglalabas ng decision ng Commission on Audit (CoA) na ilegal ang P81.9 milyong ipinalabas na pondo ni Echiverri, noong siya pa ang mayor ng Caloocan City, na bahagi nito ang pagbili ng P29,600 bawat isang plastic na basurahan.

Sa nilagdaang desisyon ni Sabiniano G. Cabatuan, Director IV ng COA, na ipinalabas noong April 24, 2015, ipinasasauli kay Recom at iba pang sangkot sa anomalya ang P81.9 milyon, na ilegal na ginastos mula sa kabang-yaman ng Caloocan, kasama na rito ang P5.5 milyon na ipinambili ng mga basurahan.

“Hindi ako nakatulog noong malaman kong P29,600 pala ang presyo ng basurahan na may sticker ni Recom, na nasa harapan ng aming barangay hall. Libo-libong beses na pinatungan, napakagarapal no’n,” ayon kay Manuel Degana, presidente ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Brgy 182.

Inihayag ni Carolina de Leon, Presidente ng Senior Citizens’ Association ng Libis-Baesa, na silang matatanda ay nagtiis na walang naibigay na tulong ng administrasyon ni Recom noon, pero laking hinanakit niya nang malaman niyang winawaldas pala ang pera ng lungsod sa overpriced na binibiling gamit para makapangurakot.

Matatandaan na ang kasong ito ay iniakyat ni Carolina Cruz, sa Ombudsman noong Nobyembre 23, 2015, bilang kasong kriminal na Malversation of Public Funds, Falsification of Public Documents, at kasong administratibong “grave misconduct, laban kay Echiverri at iba pa.

Hindi umano makapaniwala si Cruz na kahit na pinigilan si Recom ng CoA na bilhin ang mga ‘mala-gintong’ basurahan, ay ipinilit pa rin niyang magpalabas ng P5.5 milyon na pondo para ipambayad umano sa mga basurahan.

“Hindi ko bibilhin ng P500 ang plastic na basurahan na ‘yan pero si Recom ay nagbayad ng P29,600 bawat isa. Ito ang style ng pangungurakot nila sa kabang-yaman ng bayan. May karapatan akong magreklamo dahil taxpayer ako ng Caloocan at kasama ang pera ko sa kinukurakot nila,” pahayag ni Cruz sa media.

“Matibay ang aking ebidensiya sa paglulustay ni Recom ng pera ng bayan, at nakatitiyak ako na makukulong siya,” ayon kay Cruz.

“Nagkalakas-loob akong magsampa ng kaso dahil naglabas na ng desisyon ang COA na ito ay ilegal. Hindi ito tungkol sa politika dahil Nobyembre 2015 ko pa ito isinampa sa Ombudsman, at ang desisyon ng COA na ilegal ito ay ipinalabas noon pang Abril 24, 2015,” dagdag ni Cruz.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *