Monday , December 23 2024

Digong sadsad sa korupsiyon (Poe patuloy na umaangat sa Metro Manila)

 MAHIHIRAPAN nang mapanatili ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang number one ranking sa apat pa niyang katunggali para sa Presidential election sa Mayo 9 sanhi na rin ng korupsiyon na pilit niyang itinago ang undeclared wealth na umabot sa P211 milyon.

Naglutangan pa ngayon na may 41 ari-arian siya sa buong bansa at mayroong offshore bank accounts sa Singapore, Malaysia at China na sinisiyasat na ngayon ng Anti-Money Laundering Council.

Bagamat nangunguna pa rin sa Pulse Asia survey na kinomisyon ng ABS CBN para sa petsang Abril 19-24, sinabi ng mga political analyst na patas sa estadistika sa National Capital Region o Metro Manila sina Duterte at Poe sa nakuhang 34% at 26 %, ayon sa pagkakasunod.

Batay din sa survey, si Poe ang most preferred candidate sa mga presidentiable sa buong Luzon na may 29% preference.

Bagamat si Duterte pa rin ang top choice sa Mindanao at Visayas, isinagawa ang survey nang hindi pa pumuputok ang kanyang mga sikretong bank accounts.

Noong bago pa lamang magsimula ang huling bahagi ng Presidential Debate sa Pangasinan noong Abril 25, bumagsak na agad ng 6% ang kanyang rating base sa April 20-23 survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS.

Mula 33% sumadsad siya sa 27% habang may 26% naman ang pinakamalapit niyang kalaban na si Senadora Grace Poe, na tumaas ng 2% mula sa dating 24%.

Idinagdag sa DZMM report ni dating vice president Noli “Kabayan” De Castro na “statiscally tied” na sina Duterte at Poe para sa pampanguluhang survey bagamat ikinaila ng SWS na nagsagawa ang poll firm ng survey sa gayong petsa.

Ngunit sa bagong pinasabog ni Sen. Antonio Trillanes IV na may P211-M hidden bank account si Duterte sa Bank of the Philippine Islands (BPI) Julia Vargas Ave., branch sa Pasig City, lalo pang babagsak ang ratings ng Davao City mayor dahil sa kanyang pagsisinungaling nang kapanayamin ng mga miyembro ng media.

Napaamin na lamang siya noong Huwebes nang lumantad at naging viral sa Facebook account ng mamamahayag na si Ellen Tordesillas ang larawan ng deposit slip na nakapangalan kay “Rodrigo Roa Duterte or Rodrigo Roa Duterte and Sara Z Duterte.”

“A friend went to BPI an hour ago to find out if the expose’ of Sen. Trillanes on Duterte’s account is true. Using the bank account number she saw in the Inquirer, she deposited P500. It’s validated. The account is existing. Here’s the deposit slip,” sabi ni Tordesillas sa kanyang post.

Kung bumabagsak ang ranking ni Duterte, taliwas naman ito sa nangyayari kay Poe. Sa loob lamang ng limang araw pagkatapos ng huling Presidential Debate sa Pangasinan, pitong mga gobernador ang kumalas sa kanilang dating political party at mas piniling suportahan ang kandidatura ng senadora.

Naniniwala ang mga gobernador na si Poe ang makapagbibigay sa kanila nang totoo at maayos na pamamahala ng bansa.

Kabilang sa kanila ang limang gobernador ng Bicol na sila Albay Governor Joey Salceda, Camarines Norte Governor Edgardo Tallado, Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, Sorsogon Governor Raul Lee at Catanduanes Governor Cely Wong.

Habang sumama na rin kay Poe sina Governor Ruth Rana Padilla ng Nueva Vizcaya at dating Gov. Amor Deloso ng Zambales.

Bukod sa paglipat ng pitong gobernador kay Poe, inaasahang magdudulot pa nang higit na positibong pagtaas sa kanyang rating ang pakikipagdebate ng senadora kay Duterte upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan na patuloy namang binababoy at inaabuso ng alkalde sanhi ng kanyang mga masamang biro.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *