Mitch-Recom ibabalik sa Caloocan (2 politiko tiyak na!)
Hataw News Team
April 29, 2016
News
KAHIT waldasin ni Caloocan Representative Edgar ‘Egay’ Erice ang isang bilyon na ibinulsa sa mining operation sa Agusan Del Norte, hindi pa rin mapipigilan na makabalik upang maglingkod sa mamamayan ng Caloocan City sina Mitch Cajayon at Recom Echiverri.
Papatunayan ito ng mga residente ng nasabing siyudad sa kanilang deklarasyon na sa kabila ng ipinagmamalaking maraming pera ni Erice ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga tao kina Cajayon at Echiverri.
Magugunitang si Cajayon ang may akda ng dalawang batas na anti-bullying at 5-in-1 vaccine na ngayon ay malaking tulong sa masa, habang si Recom, sa mahabang panunungkulan sa lungsod ay walang naging isyu ng korupsiyon.
Napag-alaman nang manungkulan at manilbihan si Recom sa Caloocan bumaba ang antas ng krimen sa ipinakitang political will na mapabilang ang lungsod o makilala na isa sa mga lugar na ligtas puntahan.
Sa kasaluluyan ay kabi-kabilang korupsiyon ang kinasasangkutan ng ilang opisyal nang idawit kay Pork Barrel Queen Janet Napoles at ilan din umano ang tumatayong broker sa pagbebenta ng mga ari-arian ng pamahalaan kung kaya nagkamal ng salapi gaya ni Erice.
Si Erice ay nahaharap sa tatlong kaso ng plunder at sa oras na hindi manalo si dating Secretary Mar Roxas sa pagka-presidente tiyak sa kulungan hahantong ang mambabatas.
Matatandaan na inireklamo si Erice ng Basiana Mining Exploration Corporation (BMEC) na kinatawan ni Rodney Basiana dahil sa panloloko sa operasyon ng minahan sa Agusan Del Norte.
Ang congressman ang tumatayong presidente ng SR Metal Mining Incorporated (SMRI) at nakipagkasundo kay Basiana upang magsagawa ng pagmimina sa Barangay La Fraternidad, Tubay ng nasabing lalawigan.
Sa Memorandum Of Agreement (MOA) na nilagdaan ni Erice napagkasunduan na magbibigay ang SMRI ng 5 percent na royalty share ngunit hindi ito ginawa ng mambabatas kay inireklamo siya sa Ombudsman ng plunder.
Pinaniniwalaang sa ginawang panloloko ni Erice at sa mga kaso na kinakaharap niya kung kaya tumaya siya nang husto sa administrasyon at kay Roxas upang hindi makulong.
Bukod sa kaso ni Basiana, inasunto rin si Erice nina Anselmo Sang Tian at Ronald Hinayon ng kasong Plunder, Qualified Theft at Theft of Mineral na may case number OMB-C-07-0397.
Isang pang indibidwal ang naghain ng kaso laban sa kongresista ng Grave Misconduct, Abuse of Authority at Conduct of unbecoming of public officer na may Ombudsman case number OMB-M-A-07-265-K.
Ang mga naturang kaso ang dahilan kung bakit hindi pumusta nang husto si Erice kay Roxas at sumisipsip kay pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino upang hindi siya makulong.
Dahil dito, ang mga kinasasabitan na korupsiyon ni Erice at iba pang opisyal ang dahilan kung bakit ang mga mamamayan ng Caloocan ay mainit ang pagtanggap kina Cajayon at Echiverri.
Napag-alaman na si Echiverri ay wala pang record ng pagkatalo sa history ng politika sa Caloocan dahil sa ipinamalas niyang galing at serbisyo sa mamamayan.