Friday , November 15 2024

Leni Robredo: Biggest ad spender sa P237.2-M (‘Simpleng’ kandidato kuno)

PARA sa isang kandidato na nagpapakilalang simple at walang pera sa kampanya, lumalabas na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang may pinakamalaking gastos sa advertisement sa lahat ng kandidato sa pagka-bise presidente.

Ito ang lumalabas sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na sinasabing ayon sa Nielsen Media’s monitoring data, si Robredo ang nanguna sa paggastos sa ads mula nang nag-umpisa ang pangangampanya nitong Pebrero 9 hanggang Marso 30, 2016.

Ayon sa data ng Nielsen, nakagastos na si Robredo ng nakalululang P237.2 milyon sa ad placements sa loob lamang ng 50 araw. Ang kanyang ad bill ay bumubuo na sa 43.63 percent ng kanyang puwede lamang gastusin sa buong halalan.

Sa kanyang 2014 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), sinabi ni Robredo na meron lamang syang P8 milyon na net worth kung kaya sinabing isa siya sa pinakamahirap na miyembro ng House of Representatives.

Sa pangalawang puwesto ay si Senador Francis Escudero na nakagastos na ng P236.2 milyon. Sa pangatlong puwesto ay si Senador Allan Peter Cayetano na gumasta na rin ng P172.4 milyon sa naturang period.

Sa kanilang 2014, nilista ni Escudero na meron lamang siyang net worth na P6 milyon samantala si Cayetano ay may P23.3 milyon.

Matatandaan na bukod kay Robredo, sinabi rin nina Escudero at Cayetano na konti lamang ang kanilang pera para sa kampanyang ito.

Sa pang-apat na puwesto ay si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gumastos lamang ng P42.84 milyon o 6 percent lamang sa kabuuang gastos sa ad placements ng mga kumakandidatong bise presidente.

Sa pagkapangulo naman, si Vice President Jejomar Binay ang pinakamalaking gumastos na may P345 milyon, sinundan ni Senador Grace Poe sa 331.4 milyon, Roxas na may P157.8 milyon, Davao Mayor Rodrigo Duterte na may P110.36 milyon at panghuli ay si Senador Miriam Defensor Santiago na mayroon lamang P59.14 milyon gastos.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *