Sunday , December 22 2024

Poe pantay na kay Duterte (Digong sumadsad nang todo sa SWS survey)

PATULOY sa pagbagsak ang rating ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Social Weather Stations (SWS) sanhi ng sunod-sunod na kontrobersiyang kinasangkutan ng Davao City Mayor habang nakapantay naman sa kanya sa top spot ng presidential race si Senadora Grace Poe.

Ayon sa huling ulat ng SWS mula Abril 20 hanggang 23, si Duterte ang nagmarka ng pinakamalaking pagbagsak ng rating sa limang presidentiable. Mula 33 percent (%), nabawasan ng 6% ang kompiyansa sa kanya ng taumbayan kaya sumadsad si Digong sa 27%.

Samantala, pumalo naman si Poe sa 26% mula sa dating 24% o katumbas ng 2 porsiyento na pagtaas ng kanyang rating.

Bago isinagawa ang pinakabagong survey, abante si Duterte ng 9% kay Poe noong huling SWS survey na ginawa naman mula Abril 18 hanggang 20.

Base sa lumabas na SWS survey, natutuklasan na ng taumbayan ang tunay na imahe ng katauhan ni Duterte na una nilang pinaniwalaang may matigas na paninindigan sa pakikipaglaban sa krimen. Ngunit sa sunod-sunod na kamalian ni Duterte kagaya ng pagtawag niya ng bayot o bakla kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas, pag-amin sa kanyang pagkakaroon ng kaugnayan sa mga extra-judicial killings ng Davao Death Squad, pagmura sa Santo Papa at ang pinakahuling masamang biro niya o rape joke kay Australian missionary Jaqueline Hamill na biktima ng rape-slay noong 1989.

Isa pa rin malaking dahilan ng pagbagsak ng rating ni Duterte ang pangangamba ng mamamayan sa kasunod na ipinahayag ni Duterte na puputulin niya ang diplomatic ties sa Australia at Estados Unidos dahil sa pagbatikos sa kanya nina Australian Ambassador Amanda Gorely at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg kaugnay ng kanyang ginawang rape joke.

Ikinagalak ng mga respondent ang paninindigan ni Poe upang ipaglaban ang dignidad at karapatan ng bawat kababaihan na patuloy umanong niyuyurakan ni Duterte. Sa huling presidential debate, nakatulong sa pagtaas ng rating ni Poe ang kanyang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan kontra sa Davao City Mayor nang mag-one-on-one sila sa town hall style format ng Presidential Debate sa Dagupan, Pangasinan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *