Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao, Kris tinangkang dukutin ng ASG (Kinompirma ni PNoy)

KINOMPIRMA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang tangkang pagdukot din ng Abu Sayyaf Group (ASG) kay boxing champion Manny Pacquiao o isang anak ng boksingero, gayon din sa kapatid niyang si Kris Aquino o isang anak ng aktres.

Sinabi ito ni Pangulong Aquino sa kanyang official statement kasunod nang pagpugot ng Abu Sayyaf sa Canadian hostage na si John Ridsdel.

Ayon kay Pangulong Aquino, bahagi ito ng plano ng ASG para makatawag-pansin at makakuha ng suporta mula sa ISIS.

Dagdag ni Pangulong Aquino, tinangka rin ng kasamahan ni Isnilon Hapilon na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP), na i-convert ang ibang preso para sumama sa kanilang plano.

Layunin din ng grupo na gamitin sana sina Pacquiao at Kris na pang-bargain para mapalaya ang mga kasamahang nakakulong.

Iniimbestigahan na rin umano ang banta sa buhay ni Pangulong Aquino.

“As part of their effort to gain favor with ISIS, one of the ASG leaders, Isnilon Hapilon, through his cohorts in prison, has tried to convert other prisoners in New Bilibid Prison to their cause and establish ties with remnants of the Rajah Sulayman Movement purportedly in an attempt to embark on a bombing campaign in Metro Manila. They allegedly even hatched plots to kidnap Manny Pacquiao or one of his children, as well as my sister Kris or one of her children, with the plan to use them in bargaining for the release of their cohorts. Threats against my own life have been investigated,” ani Pangulong Aquino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …