Saturday , November 16 2024

Kotong, towing tablado kay Lim (Tiniyak ng alkalde)

‘WALA nang towing, wala nang kotong.’

Ito ang tiniyak kahapon ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim sa mga tricycle, pedicab at jeepney drivers sa lungsod, nang siya ay magsagawa ng house-to-house campaign sa Tambunting area sa ikatlong distrito ng lungsod, matapos makatanggap ng reklamo ukol sa mga problemang kinakaharap ng mga nasabing drivers sa Maynila.

Partikular na inireklamo ng tricycle drivers ang mga tauhan umano ng  Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO) na anila ay sinisingil sila ng hindi bababa sa P500 para sa pinakasimpleng traffic violation at ni hindi naman sila umano iniisyuhan ng resibo pagkaabot nila ng pera.

Sa kaso ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA), puwersahan umanong ipinalalagay sa kanilang mga unit ang tarpaulin lamang ni dating President Joseph Estrada, sa ilalim ng banta na ito-tow ang kanilang unit. Napag-alaman na ang tubos sa isang unit na na-tow ay ‘di bababa sa P1,500.

”Sa kanya ang tarpaulin, pero sa ‘yo ang boto namin!” anang tricycle drivers kay Lim, na nangako namang bibigyang-kalutasan ang mga nasabing problema sa kanyang pagbabalik sa City Hall.  Aniya, ang towing ay para lamang sa mga sasakyang nasiraan sa daan.

Sinabi ni Lim, sa oras na nakabalik na siya bilang mayor, agad siyang magpapatawag ng pulong sa public utility drivers upang malaman kung ano ang kanilang problema at upang maplantsa ang agarang solusyon upang gumaan ang kanilang paghahanapbuhay.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *