Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Transport Sector: Si Chiz ang VP namin (ACTO, NACTODAP kasadong magbibigay ng 2.4-M boto)

IBINIGAY ng dalawang malalaking transport groups ang kanilang suporta at ipinangako ang boto ng kanilang 2.4 milyong miyembro sa kandidatura ni Sen. Chiz Escudero, na tumatakbong independent vice presidential candidate sa darating na halalan sa Mayo 9.

Parehong inendoso ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) at ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP) ang kandidatura ni Escudero, na kamakailan lang ay sinuportahan at inendoso din ng kapwa Bicolanong si Albay Gov. Joey Salceda bilang manok sa pagka-pangalawang pangulo.

“Idinedeklara ko sa hanay ng transportasyon, na bumubuo sa ACTO, na ibibigay natin ang ating boto sa magiging bise-presidente sa darating na Mayo 9: walang iba kundi si Chiz Escudero,” sabi ni Efren de Luna, National President ng ACTO, isa sa pinakamalaking transport group sa bansa na may 400,000 miyembro. 

Kasapi sa ACTO ang mga driver at operator ng jeepney, tricycle, taxi, school bus at mga UV Express van. 

Binubuo ang NACTODAP ng lahat ng TODA sa bansa, kabilang ang Kasampadyak, kalipunan ng pedicab drivers and operators. Tinatayang nasa higit 2 milyon ang miyembro sa buong Filipinas. 

Pinasalamatan ni Escudero ang dalawang grupo at nangakong taimtin na magtatrabaho para maitatag ang gobyernong hindi mang-iiwan sa kahit ano mang sektor.

“Titiyakin natin na walang maiiwan sa pag-unlad at pag-asenso ng ating bansa,” ani Escudero, na idinagdag pang malapitan siyang makikipag-ugnayan sa sektor ng mga driver at operator para ipaglaban ang kanilang karapatan at ilayo sa pang-aabuso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …