Saturday , November 16 2024

Recom tadtad ng 66 kaso sa Ombudsman (Lahat irregular deals — CoA)

MISTULANG durog sa tadtad na 66 kaso sa Ombudsman si Cong. Recom Echiverri, tumatakbong mayor ng Caloocan, matapos ibunyag ni Jerrboy Mauricio, Brgy. 68 chairman sa isang press conference.

Ayon kay Mauricio, ito ay nagsimula nang maghain siya ng kasong malversation laban kay Recom noong Hunyo 2015 dahil sa P72-milyon insurance scam, at nagsunod-sunod na ang ibang mamamayan na naghain ng kaso laban kay Recom mula Hunyo hanggang Disyembre nang nakalipas na taon.

Inihayag ng abogado ni Mauricio na si Atty. Bong Cordova, lahat ng mga kaso ay hinatulan na ng Commission On Audit (COA) na mayroong ‘iregularidad’ na transaksiyon at naisyuhan na ng “Notice of Disallowance.”

Ang notice of disallowance ay ini-issue ng COA sa mga maanomalyang transaksiyon sa gobyerno, at ipinasasauli ang perang nagastos dito mula sa mga nakipagtransaksiyon.

Karamihan sa 66 kaso ay kinabibilangan ng paglalaan ng pondo na wala namang naka-itemize na projects, mga biniling kagamitan na overpriced, mga walang bidding na projects, at iba pa. Dahil dito, nahaharap si Recom sa patong-patong na kasong malversation, technical malversation, violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, violation of Procurement Law, falsification of public documents, at marami pang iba pa.

Binigyan ni Cordova dumalong taga-media sa press conference ng summary spread sheet ng 66 kaso ni Recom, kabilang rito ang case numbers, complainants, date filed, amount involved, at status.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *