Friday , November 15 2024

‘Bongbong Marcos’ una pa rin sa Pulse  Asia Survey

NANGUNA pa rin si vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na inilabas ngayon.

Tumaas pa ng 4 puntos si Marcos sa rating na 29 percent sa survey sa 1,800 respondents mula Abril 16- 20, 2016.

Pumangalawa sa kanya si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa rating na 24 percent.

Sumunod si Senator Francis “Chiz” Escudero na bumaba nang husto sa 18 percent mula sa 23 percent noong Marso.

Pumang-apat si Senator Alan Peter Cayetano na tumaas sa 16 percent. Sinundan nina Senador Gregorio “Gringo” Honasan at Antonio Trillanes IV na may 4% and 3%, ayon sa pagkakasunod.

Ang survey ay ginawa sa buong bansa na may ± 2.3% error margin at 95% confidence level.

Si Marcos pa rin ang nagdomina sa Metro Manila sa 39 percent na tumaas pa ng 3 puntos at sa balanse ng Luzon na may 37 percent na tumaas din ng 6 points.

Si Marcos ang nanguna sa Class ABC sa 36% at Class D sa 30%.

Mataas din ang nakuha ni Marcos sa Class E na may 22 percent.

Nagpasalamat si Marcos sa tuloy-tuloy na suporta sa kanya at ipagpapatuloy niya ang pagbigkas ng kanyang mensahe ng pagkakaisa nang buong Filipino.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *