Monday , December 23 2024

11-anyos bata patay sa anti-dengue vaccine?

NILINAW ni Health Secretary Janette Garin, hindi dulot ng anti-dengue vaccine ang pagkamatay ng 11-anyos batang lalaki na binakunahan bago binawian ng buhay.

Ayon kay Garin, ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng pasyente ay pulmonary edema o pagkalunod ng kanyang baga.

Posible rin aniyang ang sanhi ng pagkamatay ay bunsod ng congenital heart disease at acute gastroenteritis with moderate dehydration.

Nilinaw ni Garin, hindi kasama sa ‘contrandication’ ng dengue vaccination ang ‘congestive heart failure’.

Nauna nang napaulat na dumulog sa DoH ang pamilya ng nasabing pasyente na galing sa Bagac, Bataan, nang mamatay ang biktima noong April 10 makaraang mabakunahan noong Marso 31.

Mula anila nang mabakunahan ang pasyente ay lumala na ang kanyang kondisyon.

Nabatid na ang pasyente ay may congenital heart disease at nabakunahan kahit na siya ay may lagnat.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *