Thursday , December 19 2024

Walang mapili sa Mayo 9

We are what we pretend to be, so we must be careful about what we pretend to be. — Kurt Vonnegut, Mother Night

PASAKALYE: Mabigat daw ang laban sa Maynila sa pagitan ng mga dambuhala sa politika na sina FRED LIM, ERAP ESTRADA at AMADO BAGATSING . . .

Kung ang Pangil po ang tatanungin, mas nakalalamang ang kinakilalang DIRTY HARRY ng Maynila. Dahil sa kanyang track record.

Kung si ERAP, mayroon siyang ‘crack’ record at kung si AMADO naman ang pag-uusapan, siya ang kakaba-KABA-A na iboto…

NAITANONG sa PANGIL kung sino ang iboboto po nating pangulo sa nalalapit na halalan sa Mayo 9 ngayong taon..

Napailing na lang po ang inyong lingkod dahil sa ating paniniwala ay walang karapat-dapat sa hanay ng mga kandidato sa pagka-presidente ang dapat ihalal ng mamamayan bilang punong ehekutibo ng buong kapuluan.

Bakit ‘ka n’yo walang mapili?

Sa ganang amin, pawang mga bugok ang mga tumatakbo dahil nagyon pa lang ay inilagay na nila ang kanilang mga sarili sa ilalim o impluwensiya ng ilang dambuhalang negosyante dito sa ating bansa!

DUTERTE—itinalaga ng Panginoon?

SA aking palagay si Mayor RODY DUTERTE ay talagang ayaw maging presidente. Pinilit lamang siya ng ilang grupo upang tumakbo. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ayaw na niya talagang makapagsilbi sa bayan. Bakit ‘ka n’yo?  Antimano bago pa lamang nagsimula ang pangangampanya ay sinabi na niya ang kanyang mga personal na lihim. Tulad ng pagkakaroon ng dalawang girlfriend bukod sa pangalawa niyang asawa. Ang pagmumura niya sa Santo Papa. Ang pag-amin niya sa Davao Death Squad. Ang pagkampi niya sa New People’s Army. Na kanyang tatanggapin ni Joma Sison kapag siya ang naging pangulo. Ang kanyang pagmumura.  At pinakahuli, ang tungkol sa Australian lay missionary na ni-rape. 

Ang mga ito ay hindi dapat isiniwalat sa publiko. Dapat ingat-ingat siya sa pagbibitiw ng mga salita upang mas lalong makakuha ng malaking boto.  Pero wala siyang pakialam. Kaya tayong mga botante ang mismong hahatol sa kanyang pagkatao sa darating na halalan. Nararapat ba siyang ihalal ng bayan? Hindi ba magagawa ng kanyang mga katunggali ang pag-ayos ng peace and order ng ating bayan? Maaatim ba natin ang ganitong uri na asal?  Taliwas sa “Good Manners and Right Conduct?

Alalahanin natin kaunti lamang ang nag-iisip na Filipino. Meron nang naihalal na Pangulo na tunay namang maraming kabit bukod sa kanyang asawa. Pero hindi nila ito inilalantad. ‘Ika nga maingat nila itong naitatago. Pero walang lihim na hindi nabubunyag.

Kung si Mayor RODY DUTERTE ang maihalal ng sambayanan talagang siya ang itinalaga ng Panginoon na maging pangulo ng bansang Filipinas kahit na negatibo ang kanyang lantarang pag-uugali. Gabayan nawa tayo ng Panginoon sa halalang ito. — Manuel A. Moren ng Singalong, Maynila

Iboto si DIGONG…

BATA o matanda, babae o lalaki, nanay at tatay, kasama na ang mga lolo at lola.. kung kayo ay user ng droga, sa Hunyo (ay) sisimulan na kayong pagpapatayin! (Mga) salot kayo sa lipunan! Iboto si DIGONG! Pasa na… — Rafael A. Ayoc ng Marcelo Green Village, Parañaque City

Sobra na ang pag-aabuso ng NPA

Ang pagkamatay ni Vice Mayor RONALDO LUCAS ng Jones, Isabela  province ay isang katotohanan na ito ay isang election-related dahil hinihingan na nga ang tropa ni Vice Mayor LUCAS ng katibayan kung sila ay may Permit to campaign sa kanilang terirtoryo.   Dahil wala silang maipakitang Permit to campaign ayun nilimas ang kanilang mga personal na ari-arian, P670,000.00, at relief goods. Hindi pa nagkasya pinatay pa nila ang Vice Mayor.   Hindi pa ba sapat ang kanilang nakuha sa tropa ng Vice Mayor at pinatay pa nila ito?   Sobra na ang pag-aabuso ng mga NPA na ito.   Hindi na makatao ang kanilang pag-iisip sa mga gawaing kahindik-hindik.

Dapat pagtuunan na ito ng pansin ng AFP at PNP katulad sa ginagawa nila sa grupo ng Abu Sayyaf. — Rafael A. Ayoc ng Marcelo Green Village, Parañaque City

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *