Saturday , November 16 2024

Ex-LWUA Head Pichay, 3 pa swak sa graft

SASAMPAHAN ng patong-patong na kaso sa Sandiganbayan si dating Local Water Utilities Administration (LWUA) administrator Prospero Pichay at iba pa niyang mga kasamahan.

Tinukoy ng Office of the Ombudsman ang paglabag ni Pichay sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards of Government Employee dahil sa paggamit ng P1.5 milyon fund para mag-sponsor sa isang chess tournament.

Partikular na rito ang 2nd Chairman Prospero Pichay Jr. Cup International Chess Championship ng National Chess Federation of the Philippines noong 2010.

Bukod sa dating pinuno ng LWUA, kasama rin sa kakasuhan ang kanyang dating deputy acting administrator na si Wilfredo Feleo, dating senior deputy administrator Emmanuel Malicdem at dating administrator Daniel Landingin.

Samantala, ibinasura ng Ombudsman ang paghahain ng reklamo kay treasury department manager Eleanora De Jesus dahil sa kakulangan ng merito.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *