Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P4.5-M pasuweldo swak sa bulsa ni Vice Mayor (Pasay City ghost employees buking)

NAIPALUSOT sa Pasay City council ang payroll ng tinatayang 100 ghost employees, dahilan kung bakit naibulsa ni Vice Mayor Marlon Pesebre ang halos P4.5 milyon halaga ng pasuweldo para sa unang quarter pa lamang ng kasalukuyang taon.

Napaulat na nagsimula ang pagkakaroon ng ghost contractual employees nang maupo si Pesebre bilang vice mayor noong 2010 pero nabuking kailan lamang.

Sa mga dokumentong nakalap ng media, napag-alaman na mayroong conflict of interest si Pesebre nang iluklok niya ang kanyang sarili bilang chairman ng anim na komite ng city council na paglabag sa parliamentary rules. Bilang presiding officer ng Sangguniang Panlunsod, pinamumunuan ni Pesebre ang mga legislative session na tumatalakay at nag-aapruba sa city budget kabilang na ang budget ng city council.

Ipinakita ng mga dokumento na si Pesebre ang  chairman ng mga komite sa youth & sports development, social welfare and development, local government development, traffic management, pollution control, at poverty alleviation. Para sa 2016, may appropriation ang city council na P16.9 milyon para sa 100 ghost employees ng anim na komite. Ang mga ghost employees ay kinikilala sa city council budget bilang  “job order.”

Kada isa sa apat  na komite – youth & sports, social welfare, traffic management and pollution control – ay may P2.88 milyon budget at 67 ‘JOs.’  Ang nalalabing dalawang komite – local government at poverty alleviation – ay may P2.7 milyon allocation bawat isa at may  33 ‘JOs.’

Upang maikasa nang buo ang maanomalyang raket, lahat ng 100 contractual employees ay pinagawan ng special power of attorney na nagtatalaga at nagbibigay ng kapangyarihan sa isang empleyado ng Office of the Vice Mayor, isang nagngangalang Henry  dela Cruz, para kolektahin ang kanilang suweldo mula sa Pasay City treasurer’s office tuwing katapusan ng bawat buwan.

Sa pagtatanong sa tanggapan ni Pesebre, napag-alaman na si Dela Cruz ay isang malapit at mapagkakatiwalaang aide ng Vice Mayor na nagrereport mismo kay  Pesebre. Ayon sa ibang report,  si Dela Cruz din ang bagman ni Pesebre.  Target ni Pesebre ang reelection sa May 9.

Batay sa mga dokumento, may ‘inconsistencies’ sa mga pirma ng ilang contractual employees na ang iba sa kanila ay nakadestino sa mahigit isang komite.

“The irregularity is so brazen that it clearly points to Vice Mayor Pesebre as the one benefiting from that machination and conspiracy,” pahayag ng isang  Pasay City official na may  kinalaman sa mga dokumento.  “He made the six committees as his personal cash cow, a case for the Ombudsman to look into,” anang opisyal na humiling ng anonymity.

Pinarurusahan ng anti-graft law ang mga public official na nagsamantala sa kanilang puwesto para sa kanilang sariling interes. Ipinababawal din ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees or Republic Act 6713 ang paggamit ng public funds at revenues sa personal na dahilan.

“All government resources and powers of their respective offices must be employed and used efficiently, effectively, honestly and economically, particularly to avoid wastage in public funds and revenues,” paglilinaw alinsunod sa Section 4(a) of RA 6713.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …